Nilalaman > Elementarya at Junior Hayskul sa Japan > 2.Paraan tungkol sa Pagpasok sa Paaralan                   pagdating dito sa Japan

2. Paraan tungkol sa Pagpasok sa Paaralan pagdating dito sa Japan

Patakaran ng Eskuwelahan para sa mga taga ibang bansa

Para sa mga may hangad na pumasok sa elementarya at junior hayskul pagdating sa Lunsod ng Yamagata

  1. Sulatan ang porm ng pagpapalista tungkol sa paninirahan (Pagpapalista ng Paninirahan) sa Munisipyo (ika-1 palapag, Seksyon ng Mamamayan).
       TEL: 023-641-1212 (Ext. 342)
  2. Pumunta sa Kagawaran ng Edukasyon (ika-8 palapag, Seksiyon tungkol sa Edukasyon) at makipagusap sa nararapat na taga-pangasiwa sa bagay na hinahangad pag-usapan.
    (ng magulang at bata)
    <Mga halimbawang katanungan sa meeting>
    • Pagpapatunay ng pangalan at buwan,araw at taon ng kapanganakan
    • Petsa ng pagdating, tagal ng pagtira sa Japan
    • Tinanggap na Edukasyon bago pumunta sa Japan
    • Kakayahan sa Wikang Hapon (Bata at Magulang)
    • Ugali ng bata at hinahangad o ambisyon Sa darating na panahon
    • Katayuan ng Pamilya
    • Kung saan dapat tawagan (Biglaang Pangangailangan, Pinapasukang trabaho, kung kailangan ng tagapagsalin ng sariling wika o hindi)
    • Kalagayan ng Kalusugan (Sakit o hindi hiyang)
    • Gusto at hindi gustong pagkain (kasama na rin dahilan ng relihiyon)
    • At iba pa
    <Impormasyon na makukuha galing sa kagawaran ng edukasyon>
    • Elementarya at Junior Hayskul sa Japan
    • Paraan ng pagsuporta
    <Kinakailangang Dokumento>
    • Katunayan na nagparehistro bilang Dayuhan
    • Kasulatan tungkol sa natanggap na edukasyon sa sariling bansa (Katibayan na nakarehistro sa paaralan,Kopya ng Kard, kasulatan ng kalusugan, at iba pa.)
    • Inkan (tatak ng pangalan)
    • Kard na nagpapatunay na mamamayan
  3. Kinakailangan kompletuhin ng magulang ang mga aplikasyon para sa “Pag-aaral ng mga batang galing ng ibang bansa”.
  4. Ang Sanggunian ng Edukasyon ang makikipagusap sa eskuwelahan kung saang distrito nakatira ang magulang at i-plano ang araw ng pagpupulong.
  5. Ang ikalawang pagpupulong ay kasama ang magulang, estudyante, miyembro ng papasukang eskuwelahan at nararapat na opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon na gaganapin sa Sanggunian ng Edukasyon.
    <Kasulatan na dapat dalhin>
    • Ang mga hinihinging kasulatan ay depende sa bawat bansa.Iba’t-iba ang kasulatan na kinakailangan ng bawat isa. Subalit hindi dapat mag-alala.Sumangguni lamang.
    <Mga halimbawang bagay na pag-uusapan sa pagpupulong (karagdagan sa mga nabanggit na bagay sa itaas)>
    • Pagkonsulta at pagpapasiya kung anong grade tatanggapin.
    • Paghahanda ng gurong magtuturo ng Hapon, pagkonsulta sa mga paraan ng suporta na maaaring tanggapin.
    • at iba pa.