Nilalaman > Pagpasok sa Senior Hayskul > 3.Paraan ng Pag-aplay para sa Pang-Publikong Hayskul

3. Paraan ng Pag-aplay para sa Pang-Publikong Hayskul

Mga may karapatan na Mag-aplay

  1.  Mga nagtapos na estudyante o nakatakdang magtapos sa Junior Hayskul sa Lalawigan ng Yamagata ay may karaniwang binibigyan ng karapatan sa pag-aaplay. Walang kinakailangan na natatanging paraan sa pag-aaplay.
  2.  Mga estudyante na nagtapos sa eskuwelahan sa ibang bansa
    Batay sa ika-63 na pangkat na ipinag-uutos sa regulasyon ng Batas ng Edukasyon sa Eskuwelahan, ang pagbibigay ng bisa sa pagtanggap ay ipinapasya pagkatapos mag-aplay sa Lupon ng Edukasyon ng Lalawigan. Ang paalala ay ipapadala sa mga sumusunod na kalagayan subalit sumangguni rin sa Kagawaran ng Edukasyon ng Lalawigan para humingi ng detalye.
    1.  Ang mga estudyante na nakatapos mag-aral ng 9 na taon sa ibang bansa ay kinakailangan mag-aplay upang makatanggap ng pahintulot.
    2.  Ang mga estudyante na hindi nakatapos mag-aral ay hindi makakatanggap ng pahintulot at kinakailangan na pumasok sa junior hayskul sa lalawigan ng Yamagata, o kumuha ng eksaminasyon sa Pagtatapos ng Pag-aaral sa Junior Hayskul sa katarungan ng Kagawaran ng Edukasyon.
    3.  Ang mga estudyante na nakatapos mag-aral ng 9 na taon sa ibang bansa, at pumasok sa mas mataas na uri na eskuwelahan, at nag-ukol ng maraming taon na mag-aral ay maaaring makapasok ng senior hayskul sa kalagitnaan ng taon.
  •  Sa bawat kalagayan, ang mga magulang ay kinakailangan kumilos at mag-parehistro na naninirahan sa Lalawigan ng Yamagata bago dumating ang araw ng seremonya ng pasukan.
  •  Ang Sertipiko ng Pagtatapos at Kard ng Grado (report card) galing sa eskuwelahan na pinagtapusan sa ibang bansa ay kinakailangan kaya siguraduhin na ito ay madala.

「Pagbibigay ng Oras sa Pagsangguni tungkol sa Akademya」

 Ang serbisyo sa pagsangguni tungkol sa akademya ay inu-ukol sa mga estudyante na gustong pumasok ng senior hayskul sa lalawigan ng Yamagata. Isa sa mga hangarin ng serbisyong ito ay para sa mga dayuhan na nakatira sa lalawigan ng Yamagata o mga dayuhan na naghahangad na pumasok sa senior hayskul sa Yamagata upang makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga eskuwelahan (katangian, paghahanda at pakikipagayos at iba pa.) at upang tignan kung ang layunin ng estudyante na angkop sa katangian ng eskuwelahan.

 Isa rin sa hangarin ng serbisyong ito ay upang magbalita at makipag-usap sa eskuwelahan tungkol sa impormasyon na nauugnay sa estudyante, hangarin, mga napag-aralan at mga karanasan habang nakatira sa ibang bansa.

 Bukod dito, ang prinsipal ng napiling eskuwelahan ay maaaring magpahintulot sa estudyante na magsulat ng sariling rekomendasyon na gagamitin sa pagpili ng bagong estudyante.

 Gamitin ang serbisyo sa Pagsangguni tungkol sa Akademya.
 Sa pangkalahatang patakaran, ang mga estudyante ng mataas na paaralan ng pamahalaan ng Yamagata ay pagsasabihan ng prinsipal na gamitin ang serbisyo ng pagsangguni tungkol sa akademya sapagkat kinakailangan. Sumangguni lamang sa guro ng eskuwelahan tungkol sa detalye.
 Sa mga hindi pumapasok sa Senior Hayskul, Sumangguni lamang sa Kagawaran ng Edukasyon ng para sa Senior Hayskul sa Lalawigan ng Yamagata.

Pamamaraan ng Pag-aaplay

  1. Sa mga estudyante na nagtapos ng Mataas na Paaralan sa Lalawigan ng Yamagata o nakatakdang magtapos sa madaling panahon:
     Ang mga kasulatan sa Pag-aplay ay ipapadala sa pinag-tapusang eskuwelahan o pinapasukang eskuwelahan at ipapadala patungo sa prinsipal ng eskuwelahan na nais pasukan.
  2. Sa mga Estudyanteng nakatapos sa eskuwelahan sa ibang bansa:
     Ang mga kasulatan sa Pag-aplay ay kinakailangan na ibigay mismo sa prinsipal ng hayskul na nais pasukan.Gayunpaman,kinakailangan ang pahintulot ng tagapamahala ng pagpasok sa eskuwelahan ng Kagawaran ng Edukasyon ng Lalawigan.

Iba pa

 Ang mga naunang paliwanag ay batay sa Pampublikong Paaralan. Ang Pribadong Hayskul ay mayroong pangkalahatang patakaran subalit mayroong pagkakaiba sa bawat eskuwelahan. Sumangguni lamang sa Guro ng pinapasukang Junior Hayskul tungkol sa ibang detalye.

<Sanggunian>
Kagawaran ng Edukasyon ng Hayskul sa Lalawigan ng Yamagata
Tagapamahala sa Pagpili ng Estudyante
Matsunami 2-8-1, Yamagata City, Yamagata 990-8570
TEL : 023-630-2869   galing sa ibang bansa +81-23-630-2869
FAX : 023-630-2774   galing sa ibang bansa +81-23-630-2774
E-mail : koko@pref.yamagata.jp