Nilalaman > Junior Hayskul > 2.Mga Kagamitan

2. Mga Kagamitan

Mga Bagay na kailangan sa Eskuwelahan

Kagamitan sa Pag-aaral

  • Ihanda ang mga gamit na angkop sa pag-aaral.
    • Hindi kinakailangang mahal ang halaga , ang makintab na bagay ay maaaring makagambala sa pag-aaral.
  • Ang mga bagay na dapat ihanda bago magsimula ang klase ay depende sa eskuwelahan, subalit mayroong mga bagay na hindi dapat dalhin hanggang magsimula ang klase. Ang tungkol dito ay ipapaliwanag sa araw ng pagpupulong bago mag-pasukan.
    ※ Mga halimbawang bagay na dadalhin kapag nagsimula na ang klase:
    Notebook sa bawat asignatura, Alto rikoda(plauta), notebook pang-krokis(sketchbook), mga bagay na gamit sa Sining at gawain sa klase, at iba pa.
  • Ang mga gamit na dadalhin ay depende sa eskuwelahan at taon ng pasukan. Sundin lamang ang kautusan ng sariling guro.
  • Iba pang gamit na kailangan sa klase (notebook at polder) maaaring ipahayag ang mga kailangan kapag nagsimula ang klase at kailangan ihanda at dalhin ng bawat isa.
Isulat ang pangalan sa lahat ng gamit
  • Isulat ng malinaw ang pangalan at sa lugar na madaling makita.
  • Tahian ng isang pirasong tela at isulat ang pangalan dito, at tahiin ito sa gamit na hindi maaaring sulatan.

Uniporme

  • Isuot sa pagpasok sa eskuwelahan at habang may klase
    • Kautusan na uniporme ng eskuwelahan.

      Uniporme sa Tag-init (na isusuot simula Hunyo hanggang Septyembre) at Uniporme sa
      Tag-lamig (na isusuot simula Oktubre hanggang Marso)

      Ikabit ang Pangalan (ID) sa bandang kaliwa
      Ang mga first year ay tatanggap ng ID sa unang araw ng pasukan.
      Ang mga (badge) logo sign ng eskuwelahan at ikakabit sa nararapat na lugar.

    • Magsuot ng puting sombrero (cap) kapag naglilinis at kapag nalahok sa gawain sa labas ng eskuwelahan.
  • Gamit sa PE
    • Nakatakdang na uniporme sa PE
      Mahabang manggas, pantalon, maigsing manggas, at maigsing pantalon
    • Ang klase sa paglangoy ay ginaganap sa panahon ng tag init (simula Hunyo hanggang Septiyembre)
      Dalhin ang mga gamit pam-paligo(Damit pam-paligo, sombrero sa paglangoy, tuwalya at goggles)
  • Ang mga detalye tungkol sa pagbili ng uniporme ng eskuwelahan at uniporme sa PE ay malalaman sa pagpupulong na gaganapin bago magsimula ang pasukan.

Sapatos

  • Walang kautusan tungkol sa sapatos na isusuot papunta at pauwi galing eskuwelahan, subalit siguraduhin lamang na ang sapatos ay matibay at hindi delikado.
  • Ihanda ang sapatos na panloob (sapatos na isusuot lamang sa loob ng eskuwelahan) at sapatos na panlabas (sapatos na isusuot tuwing klase ng PE at kapag nasa labas).
  • Itanong lamang sa guro kung may patakaran ang eskuwelahan ukol sa panlabas at panloob na sapatos.
    ※ Isulat ang pangalan , grado at klase sa may sakong o sa harapan ng sapatos na panloob at panlabas.

Bag ng Eskuwelahan

  • Ang bawat Eskuwelahan ay may kautusan kung ano ang dapat gamitin na bag. Maaari itong bilhin sa eskuwelahan. Sumangguni lamang sa Opisina ng Junior Hayskul tungkol dito.
《Kapag bibili ng gamit》
  • Ihanda lamang ang uniporme ng eskuwelahan, uniporme ng PE at sapatos na panlabas at panloob bago dumating ang araw ng pasukan, kapag lilipat ng ibang eskuwelahan sumangguni lamang sa Opisina ng Junior Hayskul.
  • Ang uniporme ng eskuwelahan ay mabibili sa department store at pamilihan ng damit sa lunsod. Tiyakin lamang ang pangalan ng eskuwelahan at umorder ng nararapat na uniporme ng papasukan na eskuwelahan.
  • Ang panlabas at panloob na sapatos ay mabibili sa tindahan ng gamit na pang-isports, at ang bay ay mabibili sa tindahan na malapit sa eskuwelahan.
  • Karaniwan nabibili o nao-order ng uniporme ng PE sa tindahan ng mga gamit ng isport na malapit sa eskuwelahan. Kapag tiyak na ang sukat, ang pangalan ay ibuburda sa damit.

Tanghalian sa Eskuwelahan

  • Depende sa talaan(menu) ng pagkain, Kailangan magdala ng chopsticks.
    • Maghanda ng pansariling chopsticks.
    • Maskara (na gagamitin kapag magsisilbi ng pagkain sa eskuwelahan).

Pag-kolekta ng Pera

 Basahin lamang ang ika-6 na bahagi ng aklat ”Elementarya“ para sa mga detalye sa ”Pagkolekta ng Pera sa Eskuwelahan“. Depende sa eskuwelahan ang nilalaman nito. Siguraduhin na basahin ang ang kasulatan galing sa eskuwelahan tungkol dito. Sumangguni sa guro.

Iba pa

  • Magdala ng panyo at tisyu peyper araw-araw.
  • Huwag magdadala ng bagay na hindi kailangan sa pag-aaral (pera, komiks, bidyo geym, mobile phones at iba pa).
Junior High School Life