Nilalaman > Pamumuhay sa Elementarya > 6.Pagkokolekta ng Pera sa Paaralan

6. Pagkokolekta ng Pera sa Paaralan

 Ang halaga at nilalaman ng pagkokolekta ay may bahagyang pagkakaiba depende sa bawat eskuwelahan.Basahin lamang ang sulat galing sa eskuwelahan at magtanong lamang sa guro kapag hindi maunawaan.

  • Karamihan sa eskuwelahan ay nag-dedeposito at nagkokolekta ng mga bayarin, direkta mula sa bangko.Kinakailangan gumawa ng sariling libreta ng banko para dito.
    • Kailangan ang sariling Inkan(personal seal)upang gumawa ng libreta sa bangko.
    • Kinakailangan ang bayad sa bawat transaksiyon.
  • Kinakailangan magbayad ng buwis ayon sa uri ng ng bayarin.

Kabayaran sa pagkain sa Eskuwelahan

 Bayad sa tanghalian sa eskuwelahan.
 Elementarya: 255 yen sa isang pagkain
 Junior Hayskul: 295 yen sa isang pagkain
 (batay simula Septyembre 2014)

Kabayaran sa PTA

 Ang kabayaran ito ay para sa mga gawain sa pangangasiwa ng mga magulang at guro para sa ikauunlad ng edukasyon ng mga estudyante at mga gawain sa paaralan.

Kabayaran sa Eskuwelahan(Ang katawagan ay depende sa bawat eskuwelahan)

  • Reserbang Pondo
    •  Ang Pondong ito ay tinitipon sa bawat grado at ginagamit upang mapunan ang mga sumusunod na pinagkakagastusan: gastos sa ekskursiyon, sa paglalakbay at pagkain sa tanghalian sa paglalakbay sa ski , kabayaran sa upa ng kuwartong tinulugan ng mga grade 5 (pagkain, iba pa.), kabayaran sa paglalakbay ng mga grade 6, kabayaran para sa album ng pagtatapos, at iba pa.
    •  Sa mga estudyante na pumasok sa kalagitnaan ng taon ay hindi kinakailangan magbabayad ng matrikula sa panahon na hindi sila pumasok. Ang kabayaran ay kukuwentahin at kinakailangan bayaran pagpasok ng eskuwelahan.
  • Kabayaran ng gamit sa pag-aaral
    •  Kasama sa kabayaran nito ang mga libro na gagamitin sa klase, test paper, dril, kagamitan sa pagpapraktis, reperensiya, mga kagamitan sa pag-drowing, edukasyong pantahanan, panlahatan leksyon, paglalathala ng eskuwelahan, kagamitan sa musika at pagpapahalaga sa sining, at iba pa...
  • Kabayaran ng bawat grado sa PTA
    •  Ang kabayaran ito ay kokolektahin sa bawat grado upang mapunan ang mga gawain ng PTA (Gawain ng magulang at guro) at mga gastos sa mga regalong binigay sa pagdiriwang at pakikiramay.

 Kapag may pinsala o aksidente na nangyari, mayroong ibibigay na perang pakikiramay. Tumawag lamang sa eskuwelahan upang malaman ang iba pang detalye.

Ang Lunsod ng Yamagata ay mayroong Asosasyon sa Kaligtasan, Damayan at Pagtulong ng PTA

  • Nilalaman ng Garantiya
    1.  Ang pinsala na nangyari sa labas ng eskuwelahan ay responsibilidad (bago pumasok at pag uwi galing eskuwelahan) kagaya ng aksidente ng trapiko at pinsala sa paglalaro ng isports, at pinsala na hindi gumaling pagkalipas ng isang linggo.
    2. Ang pinsala na naganap sa pangyayari na kasama ang magulang.
    3. Ang pinsala na idinulot sa ibang tao na naganap sa pangyayari na kasama ang magulang.
  • Magtanong lamang at tiyakin sa eskuwelahan ang bayad ng isang taon at iba pang detalye tungkol dito ( maaaring tanggapin sa loob ng isang taon simula ng naganap na pinsala).

Pambansang Ahensiya para sa Pag-unlad ng Isport at Kalusugan

  • Nilalaman ng Garantiya

     Pinsala at sakit na nangyari (ayon sa patakaran) kapinsalaan na nangyari (bago pumasok at paguwi galing eskuwelahan) na gumastos sa pagpapagamot ng mahigit 5000 yen, at nagkaroon ng kapansanan at namatay.

  • Kontrata ng Kasunduan

     Ang Ahensiyang ito ang taga-pamagitan ng eskuwelahan at ng Lunsod ng Yamagata. Sila ang namamahala ng pamamaraan ng pagtitipon ng dalawang klase sa ipagkakaloob na halaga na napagkasunduan ng magulang. Ang kabayaran ay ipagpapatuloy hanggang sa sususnod na taon.