Nilalaman > Elementarya at Junior Hayskul sa Japan > 1.Elementarya at Junior Hayskul sa Japan

1. Elementarya at Junior Hayskul sa Japan

Elementarya at Junior Hayskul ( Obligadong Pag-aaral )

Ang mga Dayuhan ay maaaring mag-aral katulad ng mga Hapon

  • Ang mga hapon ay may obligasyon na pumasok sa paaralan. Ang mga dayuhan na nakatira sa japan ay walang obligasyon.
  • Subalit, ang mga bata ay may karapatan na pumasok sa pampublikong paaralan ng elementarya at junior hayskul kung hinahangad na tumanggap ng edukasyon.
  • Ang mga paalala tungkol sa pag-aaral ay ipapadala ng munisipyo sa mga dayuhan na may anak na nasa edad na nararapat tumanggap ng edukasyon.

Edad na nararapat mag-aral

Hindi maaari pumasok ang bata ng wala pa sa edad.

  • Ang edad na nararapat makapag-aral sa Japan ay 6 na taon gulang. Ang mga bata na naging 6 na taon ng sumunod na araw ng pasukan ay makakapasok sa susunod na taon na pasukan. Sa gayong dahilan, ang mga bata na ipinanganak ng Abril 2 hanggang sumunod na taon ng Abril 1 ay magkakasamang makakapasok ng parehong taon.
  • Ang mga batang Dayuhan ay hindi rin makakapasok ng Elementarya sa Japan kapag ang edad ay wala pang 6 na taon.

Taon ng Pasukan

Ang pasukan ay nagsisimula sa buwan ng Abril 1 at matatapos sa buwan ng Marso 31.

  • Karamihan na pasukan sa ibang bansa ay Septyembre at matatapos sa susunod na taon ng Agosto. Maraming naguguluhan sa bagay na ito sa pag-aaral dito sa Japan.
     EnePebMarAbril MayoHunyoHulyoAgoSepOktNobDis
    JapanHeisei24    Simula        
    Hesei25    Grade 2        
    Iba2012         Simula   
    2013         Grade 2   
    <Halimbawa>
     Si Juan ay natapos ng grade 1 ng Agosto 2012 at nagpunta sa Japan. Magiging Grade 2 na siya sa Septyembre kung siya ay nasa kanyang bansa, subalit sa Japan siya ay makakapasok ng Grade 2 na lipas na ng 5 buwan at tapos na ang kurikulum. Ito ang dahilan ng pagpaliban ng pagpasok hanggang susunod na taon.
    Ang halimbawang ito ay karaniwan sa nakakaraming bansa.

Maaaring pumasok ng mababang grado. Sa sinabing halimbawa, Si Juan ay maaaring pumasok ng Grade 2 o kaya Grade 1.

 Subalit, maaaring bigyan ng halaga ang pagtatapos ng pag-aaral hanggang kalagitnaan ng taon at maaaring umangat sa susunod na grado. (Hindi maaaring lumaktaw ng grado pagkatapos tanggapin). Maaaring mag-aral ang estudyante na tinanggap ng grade 2 kasama ng mga estudyante ng grade 1, hanggang masanay sa paaralan, sa oras na nasanay na maaaring simulan na ang pag-aaral sa klase ng grade 2.
 Subalit, kinakailangan pag-usapan ng mabuti ang bawat kalagayan sapagkat may ibat-ibang
kondisyon at kapaligiran.

Sa gayong dahilan, ang gradong papasukan ay pag-uusapan at pagpapasyahan ng magulang, Paaralan at Kagawaran ng Edukasyon.

Bayad sa Paaralan at Libro

 Pareho ang patakaran na inuukol para sa hapon at dayuhan ng elementarya at junior hayskul. Libre ang pag-aaral at mga libro. Pareho din ang paraan ng pag-susuporta sa pag-aaral. Gayunman, may mga gamit sa pag-aaral na dapat bayaran pati na rin ang pagkain sa tanghalian.Depende sa bawat eskuwelahan ang halaga ng bayad.

Mahabang Bakasyon

Ang mga Paaralan sa Yamagata City ay mayroong tatlo o dalawang semesters.

  • Karamihan sa elementarya at junior hayskul sa Japan ay may sistema na 3-semester ; Subalit ,
    Mayroon din eskuwelahan na may sistema na 2 semester. Ang Munisipyo ang nagpapasya kung ilang semester ang nararapat.
  • Ang bakasyon sa taginit ay tanda ng katapusan ng unang semester at umpisa ng ikalawang  semester. Ang bakasyon sa taglamig (o bakasyon sa katapusan ng taon) ay pagitan ng ikalawa at ikatlong semester. Ang bakasyon sa tagsibol ay pagitan ng ikatlong semester at pasukan ng susunod na taon ng Abril. Ang bawat Eskuwelahan ang nagpapasya kung kailan ang simula at katapusan ng bakasyon. Ang Eskuwelahan na may sistema na 2 semester at 3 semester ay mayroon bakasyon sa taginit, bakasyon sa taglamig at bakasyon sa tagsibol.

5-araw na pasukan sa 1 linggo

Simula taon 2002, lahat ng eskuwelahan ay may klase ng 5 araw sa 1 linggo, simula Lunes hanggang Biyernes. Walang klase ng Sabado at Linggo, gayunpaman mayroon nagpa-praktis ng  mga sports club.

Kurikulum

Elementarya

Grade

  1 at 2

  3 at 4

  5 at 6

Hapon○○○
Aralin Panlipunan ○○
Aritmetik○○○
Agham/Science ○○
Pamumuhay ○  
Musika○○○
Sining○○○
Edukasyon Pantahanan     ○ 
PE ○○○
Etika ○○○
Panlahatang leksyon  ○○
Naiibang Gawain ○○○
Wikang Dayuhan     ○ 
Junior Hayskul(Lahat ng grado)

Hapon

Aralin Panlipunan

Matematika

Agham

Musika

Sining

Kalusugan at PE

Teknikal ng
Sining at
Karunungan
Pantahanan

Wikang Dayuhan

Etika

Panlahatang leksyon

Piniling  Klase

Espesyal na Gawain

Pampaaralan at Pangkalusugang Ulat

Magbibigay-alam ang mga paaralan sa magulang tungkol sa ugali o asal at kalagayan ng bata sa eskuwelahan sa pamamagitan ng pampaaralan at pangkalusugang ulat.

  • Binabatay ng paaralan ang ulat na ito sa tatlong bagay sa katapusan ng bawat semester: Pag-aaral, Pamumuhay sa eskuwelahan, kalagayan at kalusugan ng bata. (Depende sa paaralan ang mga bagay na binabatayan sa pag-gawa ng ulat)