Nilalaman > Pagpasok sa Senior Hayskul > 1.Mga Uri ng Paaralan sa Senior Hayskul
1. Mga Uri ng Paaralan sa Senior Hayskul
Maraming uri ng hayskul sa Japan. Hinahati ito ng mga sumusonod.
Publiko at Pribadong hayskul
Ang mga senior hayskul ay hinahati batay sa pampubliko at pribadong hayskul.
- Pampublikong Hayskul
- Ang mga eskuwelahang ito ay pamamahala ng Lalawigan ng Yamagata o Lunsod ng Yamagata. Mura ang bayad sa Paaralan. Subalit,isang eskuwelahan lamang ang maaaring aplayan at mahirap ang test para makapasok.
- Pribadong Hayskul
- Pinamamahalaan na Pribado. Ang bayad ay may kamahalan kaysa sa Pampublikong Hayskul subalit ang bawat eskuwelahan ay may kanya-kanyang kahalagahan.Bukod dito, maaaring mag-aplay ng mahigit isang eskuwelahan.
Ibat -ibang Kurso
Ang hayskul sa Japan ay hinahati sa mga sumusunod na bagay depende sa panahon ng pag-aaral, paraan at nilalaman.
- Pang-araw na Klase
Klase na pangkaraniwan ginaganap sa araw ng 6 na oras sa isang araw, sa loob ng 3 taon.
- Pinag-hating Klase
Klase na pangkakaraniwan ginaganap sa gabi ng 4 na oras sa isang araw, sa loob ng 4 na taon. (Sa Kajo Gakuen, may klaseng pang umaga, hapon at pang gabi. Mayroon din paraan na makatapos sa loob ng 3 taon.)
- Suportang Klase
Ang klase sa eskuwelahan ay ginaganap ng 2 beses sa loob ng isang buwan (papasok) at ang ibang oras ng pag-aaral ay gagawin sa bahay.
Ibat-ibang Kurikulum
Sa Japan, maliban sa pangkaraniwang kurikulum sa hayskul, mayroon din eskuwelahan na pang-teknikal kung saan maaaring maging espesyalista sa agrikultura, industriya, komersiyo, at iba pa.
Mayroong eskuwelahan na may pangkaraniwang kurikulum at teknikal (espesyalista) na kurikulum. Ang mga kurikulum ay pangkaraniwang hinahati sa tatlong kategoriya:
- Pangkaraniwan
- Propesyonal
(Agham at Matematika, PE, Musika, Agrikultura, Komersiyo, Pangingisda, Karunungang Pantahanan, Nars) - Pangkalahatan