Nilalaman > Junior Hayskul > 6.Pag-aaral sa labas ng Paaralan, Pag-aaral sa Kalikasan,karanasan sa Pagta-trabaho,Ekskursyon

6. Pag-aaral sa labas ng Paaralan, Pag-aaral sa Kalikasan,karanasan sa
Pagta-trabaho,Ekskursyon

Pag-aaral sa labas ng Eskuwelahan at Ekskarsiyon

 Ang layunin ng pag-aaral sa labas ng eskuwelahan ay upang maranasan ng mga estudyante ang pagkakaiba ng pag-aaral at pamumuhay sa loob at labas ng eskuwelahan. Layunin din na maintindihan mabuti ang lugar na pupuntahan at mga nakatakdang gawain. Ikinatutuwa ng mga estudyante ang gawain ito sapagkat iba ang pakiramdam ng pag-aaral sa labas ng eskuwelahan. Pag-gamit ng transportasyon sa pag-biyahe, pagdadala ng sariling baon na pagkain (obento), at iba pa, kinakailangan ng mabuting pakikipanayam sa mga kasama upang maging matagumpay ang gawain ito. Magandang karanasan ang gawain ito para sa mga estudyante upang matuto ng magandang asal. Mayroon eskuwelahan na nagsasagawa ng panlabas ng pag-aaral, hindi lamang ekskarsiyon, kundi mga naka-planong gawain ayon sa kurikulum. Upang magkaroon ng makahulugang karanasan, siguraduhin na ilagay sa isip at sundin ang mga bagay na nakasulat sa ibaba.

Mga bagay na NARARAPAT pag- ingatan

  • Siguraduhin na walang makalimutan na gamit.
    Karamihan sa mga estudyante ay ilalagay ang mga gamit sa napsak.
    Siguraduhin na ang magulang at bata ang maghahanda sa dadalhing gamit.
  • Basahin mabuti ang plano at ingatan ang sariling kalusugan.
    Kapag mahiluhin sa biyahe, magdala o uminom ng gamot sa lula.

 ※Sumangguni lamang sa sariling guro kung may alalahanin sa paglahok sa gawaing ito.

Pangkalikasan Pag-aaral

 Ang klaseng ito ay ginaganap upang matuto ang mga estudyante na tumigil sa ibang lugar ng panandalian. Upang sanayin ang mga estudyante na malakas ang pangangatawan, maging independiyente, pakikipagtulungan at pagpapahalaga sa kapaligiran.
 Ang paglayo ng panandalian sa pamilya at bahay ay importanteng layunin ng gawaing ito. Ang gawaing ito ay gaganapin sa labas. Mararanasan nila ang hirap sa pag-camping, mga bagay na hindi ginagawa sa pangkaraniwang pamumuhay.
 Siguraduhin na intindihin ang nilalaman ng gawaing ito at ihanda ang mga bagay na kinakailangan.

Basahin mabuti ang mga sumusunod na bagay tungkol sa kalusugan at kaligtasan.

  • Siguraduhin na ipag-bigay alam sa guro ang tungkol sa kalusugan o alalahanin tungkol sa bata. Ipaalam sa guro nang maaga kung kinakailangan na magpunta ng palikuran na ilang beses sa gabi o sa araw.
  • Dalhin ang kopya ng Hoken Sho(Medical Card) para sa biglaang pangyayari.
  • Sa karamihan ng dadalhing gamit, maaaring makalimutan kung saan ito inilagay. Siguraduhin lamang na ihanda ang dadalhing gamit na ilalagay sa bag sa harap ng bata. Siguraduhin na ihanda mismo ng bata ang dadalhing gamit upang maiwasan na makalimutan kung saan inilagay ang kanyang gamit.
  • Pag-ingatan ang kalusugan at gawin ng maaga ang paghahanda upang maging matagumpay ang gawaing ito. At upang magkaroon ng makahulugang karanasan para sa mga estudyante.

Karanasan sa Pagtatrabaho

 Sa panahon na ang estudyante ay nasa ikalawang grade ng junior hayskul, ang eskuwelahan at opisina sa distrito at mga pamilihan ay nagkakaisa upang makaranas ang mga estudyante na magtrabaho ng 3 hanggang 5 sunud-sunod na araw,upang magkaroon ng pagkakataong mag-isip para sa kanilang kinabukasan. Ang paglabas mula eskuwelahan ay daan upang magkaroon ng mahalagang karanasan sa pamumuhay kabilang ng komunidad. Dahil sa suporta ng mga tao sa opisina o pamilihan, nang mga guro, at mga magulang, ang mga estudyante ay nagpapasalamat sa pagsisikap at pagkakataon na “makapagtrabaho”. Sa karanasan makapagtrabaho, ang mga estudyante ay matututo bumati sa ibang tao at mag-ingat sa kanilang asal at palawakin ang kaalaman sa pakikitungo sa ibang tao, kaya mayroong malaking kahalagahan ang karanasang ito. Mapapag-aralan nila ang layunin para sa kinabukasan, trabaho at pagkakataon mag-isip kung ano ang nararapat gawin upang mabuhay at pakikitungo sa kapwa. Depende sa eskuwelahan kung kailan gaganapin ang gawaing ito, subalit karaniwan na ganapin ito sa pagitan ng buwan ng Mayo at Hulyo. Ang mga estudyante ay nararapat na maghanda at mag-ingat sa kalusugan upang maiwasan ang pagliban kahit 1 araw habang ginaganap ito.

  • Tungkol sa mga bagay na dadalhin at isusuot, sumanguni sa kompanya bago pumunta dito.
    • Karamihan sa kompanya, kailangan magdala ng baon na pagkain.
    • Karamihan ay hinihiling na magkabit ng ID habang nagtatrabaho.
    • Itanong lamang kung kinakailangan isuot ang uniporme pang PE o damit na hinihiling ng kompanya na isuot.
  • Pakinggan mabuti ang mga sinasabi at sundin ang mga ibinigay na responsibilidad bilang isang empleyaeto.
  • Ang kahalagahan ng gawaing ito ay hindi lamang ang pagtatrabaho ng ilang araw. Ang karanasan ng paghahanda bago magsimula at pagkatapos ng gawaing ito ay mahalaga sapagkat makakatulong ito upang mag-isip kung ano ang gustong gawin para sa magandang kinabukasan.
  • Tuwing makikipagusap tungkol sa paghahanda bago magsimula at pagpapasalamat pagkatapos ng gawaing ito, mag-ingat sa mga kilos at asal.
  • Magsiyasat mabuti tungkol sa oras ng trabaho, paraan ng pagtatrabaho, at paraan ng pagpunta at gagamitin transportasyon papunta at pauwi.

Paglalakbay (Kasama ang pananatili)

 Ang paglalakbay na ito ay hindi makakalimutan na karanasan sa loob ng tatlong taong na pag aaral sa junior hayskul. Hindi ito pamantayang paglalakbay, ang layunin ng paglalakbay na ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na masanay o matuto maging independiyente sa pagkilos at pag-iisip sapagkat sila mismo ang magtatatag ng mga gawain at kung saan pupunta. Madalas ganapin ito sa panahon ng tagsibol para sa ikatlong grado ng junior hayskul, subalit mayroon eskuwelahan na ginaganap ito sa panahon ng taglagas para naman sa mga ikalawang grado. Depende sa eskuwelahan ang pupuntahan lugar subalit karaniwan na pumupunta sa Tokyo, Hokkaido, at sa lugar ng Kansai. Ang lugar na pupuntahan ay bihira at doon lamang makakakita at makakaranas ng ibat-ibang bagay ukol sa pag-aaral. Bigyan ng kahalagahan ang kalusugan ng bata dahilan sa paglayo sa pamilya. Mag-ingat sa pangaraw-araw na pamumuhay upang manatili ang magandang kalusugan at upang magkaroon ng kasayahan at makahulugang karanasan.

  • Siguraduhin na walang makalimutan.
  • Tiyakin na nakasulat ang pangalan sa lahat ng kagamitan.
  • Dalhin ang kopya ng Hoken Sho( Medical Card).
  • Sumangguni sa Guro kung may katanungan o alalahanin.

《Para sa mga Magulang》

  • Ingatan ang pangkatawang kalusugan ng bata upang mapaglabanan ang mga hindi magandang bagay na maaaring mangyari (pangkatawan at iba pa).

School Trip (The Diet Building)
Paglalakbay(Batasang Gusali)