Nilalaman > Pamumuhay sa Junior Hayskul > 1.Pamumuhay sa Paaralan at Regulasyon
1. Pamumuhay sa Paaralan at Regulasyon
Araw sa Eskuwelahan
Pagpasok sa Eskuwelahan
- Kailangan dumating ng eskuwelahan ng alas 8 ng umaga. Ang oras ng pagpasok ay depende sa bawat eskuwelahan.
- Kapag papasok sa eskuwelahan, sundin ang mga patakaran sa daan, ilagay sa isip at mag-ingat sa aksidente.
- Isuot ang Uniporme kapag papasok sa eskuwelahan.
- Depende sa distrito ang maaaring gumamit ng bus o bisikleta sa pagpasok at paguwi sa eskuwelahan.
Kapag Liliban sa klase
- Siguraduhin na tumawag sa eskuwelahan bago ganapin ang pang-umagang miting (mga-alas 8:20 ng umaga) kung ikaw ay liliban o mahuhuli sa pagpasok sa eskuwelahan o iba pang dahilan.
Uniporme
- Magpapalit ng uniporme ng damit pang-PE kung kinakailangan.
- Gamitin lamang ang sapatos na panloob kapag nasa loob ng eskuwelahan. Depende ang kulay ng sapatos sa bawat eskuwelahan.
- Isulat ang pangalan sa sariling uniporme pang-PE at sapatos.
- Ilan sa mga eskuwelahan na hinihiling kung ano ang nararapat isuot na sapatos sa papasok at paguwi galing eskuwelahan.
Gawain sa Klase at Pag-aaral
Para mabuhay at magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga bata, kinakailangan turuan upang matutunan ang mga importanteng bagay katulad ng pag-kilos ng sarili, mabuting kalooban, malakas at malusog na pangangatawan. Para sa pag-aaral, ang kurikulum ng eskuwelahan ay batay sa nararapat pag-aralan at kadalubhasaan sa teknikal; ang asignatura ay ibinabatay sa kinakailangan na kakayahan ng pag-iisip. Ang mga bata ay tinuturuan na magpasya at paunlarin ang kakayahan ng pagtatanghal.Gayon pa man, ang eskuwelahan ay hindi lamang lugar upang turuan ng guro ang mga bata, lugar din ito para sa mga bata na matagpuan ang sariling paraan matuto. Dahil dito, kinakailangan mag-plano ng pag-aaral sa bahay at mahalaga rin ang pagpapatuloy na pag-aaral.
- Iba ang pag-aaral sa junior hayskul at elementarya. Sa junior hayskul, iba-iba ang mga guro sa bawat asignatura. May mga klase at gawain sa mga sumusunod na asignatura:
Wikang Hapon, aralin panlipunan, matematika, agham, musika, sining, aralin pangkatawan, edukasyong pantahanan, salitang dayuhan (Ingles), ugali /asal, mga gawain batay sa grado, oras ng pangkalahatang pag-aaral, mga gawain ng bawat grado at eskuwelahan
※ Sa Junior Hayskul , ang isang klase ay ginaganap ng 50 minuto.
Isulat ang pangalan sa lahat ng gamit
- Dalhin at ilagay ang lahat ng kagamitan sa bag na (ayon sa bawat paaralan) at huwag kalilimutan na dalhin sa eskuwelahan.
- Ang uniporme na pang-PE ay kinakailangan ilagay sa bag na pang-isport.
- Isulat ang pangalan, grade at klase sa lahat ng kagamitan.
- Huwag magdadala ng pera sa eskuwelahan maliban kung kinakailangan.
- Magsuot ng puting sombrero(cap) sa oras ng paglilinis.
- Gamitin ang puting uniporme sa eskuwelahan kapag kakain at maghahanda ng tanghalian sa araw ng pamamahala at katungkulan. Kapag natapos ang isang linggong katungkulan, labhan ang uniporme para magamit ng susunod na may katungkulan. (Maghanda ng sariling maskara)
Tanghalian sa Eskuwelahan
Tignan sa Aklat “Pamumuhay sa Elementarya” [ 1 Pamumuhay sa Paaralan at Regulasyon] tungkol sa “Pagkain sa Paaralan”. Seksyon 1 ng " Pamumuhay sa Elementarya"
Paggamit ng Palikuran(toilet)
Tignan ang Aklat “Pamumuhay sa Mababang Paaralan” sa unang bahagi tungkol sa “Paggamit ng Palikuran”."Seksyon 1 ng " Pamumuhay sa Elementarya".
Sa labas ng Eskuwelahan
Kapag aalis ng bahay
- Sabihin sa magulang o kasama sa bahay kapag aalis at anong oras uuwi.
- Huwag pupunta sa palaruan sa supermarket, lugar ng palaruan, o sa karaoke.
- Umuwi ng maaga at huwag magpagabi.
- Huwag sasama sa hindi kakilala.
- Huwag pupunta at mananatili sa bahay ng kaibigan ng walang permiso sa iyong pamilya at pamilya ng iyong kaibigan.
Kapag Maglalaro
- Kinakailangan na umuwi muna galing eskuwelahan bago pumunta at maglaro sa labas.
- Huwag maglalaro ng larong mapanganib.
- Huwag maglalaro malapit sa ilog at riles ng tren, sa loob o sa paligid ng lugar at daan na may pinapagawang bahay o anuman.
- Huwag maglalaro ng apoy.
※Kinakailangan ang pangangasiwa ng may sapat na gulang kapag maglalaro ng paputok.
Trapiko sa daan at Pagsakay sa bisikleta
- Ang mga tao ay nararapat lumakad sa bandang kanan, samantala ang bisikleta at sasakyan dumaraan sa bandang kaliwa ng kalye.
- Ang Iksamen ng Pagsusuri ng Bisikleta ay kinakailangan isagawa ng maaga. Kinakailangan tumanggap ng tatak o selyo na nagpapatibay na ang bisikleta ay nakapasa sa iksamen ng pagsusuri.
- Kung gustong gamitin ang bisikleta sa pagpasok sa eskuwelahan, kinakailangan humingi ng pahintulot sa nangangasiwa ng paaralan . Gumamit ng helmet kapag sasakay papunta at pauwi galing eskuwelahan.
- Huwag sasakay ng bisikleta kapag umuulan ng yelo, may tambak na yelo sa kalsada, o kapag umuulan. (Mayroon eskuwelahan na hindi pumapayag na sumakay ng bisikleta ang mga estudyante papunta at pauwi galing eskuwelahan sa panahon ng taglamig.)
Petsa ng Pagsusuri | |
Grado klase Pangalan | |
Mga bagay na dapat suriin | Resulta ng Pagsusuri |
---|---|
1 Wasto ba ang laki ng bisikleta sa taong sasakay dito? | ( ) Oo ( ) Hindi |
2 Abot ba sa lupa ang paa ng taong nakasakay kapag nakaupo? | ( ) Oo ( ) Hindi |
3 Gumagana ba ang preno sa harap at likod? | ( ) Oo ( ) Hindi |
4 Gumagana ba ang ilaw? | ( ) Oo ( ) Hindi |
5 Matibay ba ang hawakan? | ( ) Oo ( ) Hindi |
6 Wala bang diperensiya ang ibang bahagi ng ng bisikleta? | ( ) Oo ( ) Hindi |
7 Nakasulat ba ang pangalan at tirahan sa bisikleta? | ( ) Oo ( ) Hindi |
Ang Taong gumawa ng pagsususuri sa bisikleta | ( ) Manggagawa sa tindahan ng bisikleta ( ) Kapitbahay na miyembro ng asosasyon ( ) Miyembro ng Pamilya |