Nilalaman > Pamumuhay sa Elementarya > 1.Pamumuhay sa Paaralan at Regulasyon › Isang Araw sa Paaralan

Isang Araw sa Paaralan

Pagpasok sa Eskuwelahan

  • Pumasok kasama sa grupo ayon sa purok ng eskuwelahan.
    Mayroon Eskuwelahan na bumubuo ng grupo na may mahigit dalawang bata na sama-samang pumasok at umuwi galing eskuwelahan.
  • Ilagay ang pangalan (ID) sa kaliwang dibdib kapag papasok sa eskuwelahan.
    * Mayroong eskuwelahan na pinahintulutan na ilagay ang pangalan (ID) pagdating sa eskuwelahan.
  • Ilagay ang iyong mga gamit sa eskuwelahan sa “Randoseru” (bag ng eskuwelahan) kapag papasok sa Eskuwelahan
    * Mayroong sitwasyon na ang mga gamit sa eskuwelahan ay ilalagay sa Napsak.
    * Mayroong eskuwelahan na ini-uutos na magkabit ng buzzer sa “Randoseru” upang maiwasan ang krimen.    
  • Pumasok sa tamang oras at hindi dapat mahuli sa oras ng klase.
  • Bumati sa mga kapitbahay, kaibigan, guwardiya sa tawiran at mga guro ng malakas at masiglang “Ohayo gozaimasu” (Magandang Umaga) kapag nakatagpo o nakasalubong pagpasok sa eskuwelahan.
  • Mag-ingat sa pagtawid (huwag tatakbo ng bigla). Sundin ang mga patakaran sa kalsada, mag-ingat sa aksidente at huwag kalimutan ang kagandahang asal sa daan pag-pasok.
  • Magpalit ng panloob na sapatos bago pumasok sa loob ng eskuwelahan.
  • Habang nasa daan ng pagpasok, huwag babalik ng bahay kahit may naalalang nakalimutan na bagay ng eskuwelahan.

Kapag liliban sa klase

  •  Kapag liliban sa klase o mahuhuli sa pagpasok dahilan sa sakit o iba pa, tumawag lamang sa eskuwelahan. Mayroon eskuwelahan na gumagamit ng “renraku cho”. Notebook na susulatan ng impormasyon na gustong ipaalam sa guro. Ipapakiusap ito na ipadala sa kaibigan o kaklase na malapit ang tirahan sa inyo upang ipaabot sa guro.
     (kapag liliban sa klase, isulat sa notebook ang petsa at dahilan ng pagliban. Kapag mahuhuli sa pagpasok, isulat sa notebook ang petsa, kung anong oras makakapasok at dahilan kung bakit mahuhuli.)
     ※ Kapag hindi maipapadala ang notebook, tumawag lamang sa eskuwelahan hanggang 8:30 ng      umaga.
  •  Siguraduhin lamang na ipaalam sa eskuwelahan kapag matatagalan ang pagliban sa eskuwelahan (pag-uwi sa sariling bansa, pagpapagamot, at iba pa).

Pag-aaral

  •  Magsikap mag-aral ng mga asignatura sa eskuwelahan sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangan sa iyong kinabukasan. Bigyan ng halaga ang iyong interes at hangarin sa buhay. Pag-aralan ang mga itinuturo, subalit magkaroon ng sariling pag-iisip para sa ikabubuti ng kinabukasan.
  •  Paunlarin ang iyong kakayahan bilang isang tao, sambayanan at sariling kaalaman bilang isang mamamayan na namumuhay sa pandaigdig na sambayanan.

  Mga Kurikulum(Ang ibang asignatura sa pagitan ng bawat grado ay nakasulat ng makapal na letra.)

Grade 1 at 2

Salitang Hapon, Aritmetik, Paraan ng Pamumuhay, Musika, Sining, Pangkatawang Edukasyon (PE), Etika, Gawain sa Klase.

Grade 3 at 4
Salitang Hapon, Araling Panlipunan, Aritmetik, Agham, Musika, Sining, Pangkatawang Edukasyon, Etika, Gawain sa Klase, Gawain sa Klab (simula ika 4 na grado), Panlahatang Leksyon.
Grade 5 at 6
Salitang Hapon, Araling Panlipunan, Aritmetik, Agham, Musika, Sining, Edukasyong Pantahanan, Pangkatawang Edukasyong, Etika, Gawain sa Klase, Gawain sa Klab, Panlahatang Leksyon, Gawain para sa Wikang Dayuhan
※ Sa Elementarya, 45 minuto ang haba ng bawat klase.

○Klase tungkol sa Paraan ng Pamumuhay
 Ang mga magaaral ay natututo sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain at mga karanasan upang magkaroon ng interes sa kanilang sarili, sa mga tao sa kanilang paligid ng sambayanan at kapaligiran. Matutuklasan nila ang kani-kanyang katangian at pati na rin ng kanyang kaibigan at tanggapin ang pagkakaiba ng isat-sa. Matututuhan sa klaseng ito ang asal at kakayahang kinakailangan sa pamumuhay sa komunidad at paunlarin ang mga bagay na kinakailangan upang maging isang tao na mayroong kakayahan mag-isa.
○Pankalahatang Leksyon
 Sa leksyong ito, ang mga bata ay nagtutulungan at nag-uusap ng kanilang kaalaman at abilidad (panloob at panlabas ukol sa kurikulum ng etika at klase ng espesyal na gawain) na kinakailangan sa araw-araw na pamumuhay. Ang layunin ng klaseng ito ay paunlarin ang kakayahan ng estudyante sa pamamagitan ng paghahanap ng nararapat gawin, kakayahan ng pagaaral at paglutas ng problema, natutunan buhat sa naranasang pagsubok at pagkakamali. Ang layunin ay matuto kung papaano mag-aral, paunlarin ang kakayahan ng panunuri, at matutong mag-isip kung ano ang nararapat kung papaano mabuhay.
○Pang-samahan Gawain
 Ang mga estudyante na nasa grade 4, 5 at 6 ay nalulugod sa mga gawain na ginaganap sa oras ng klase ng klab. Ang layunin ng gawaing ito ay upang sanayin ang kakayahan ng bawat bata, matutong makipagkaibigan at magkaroon ng mabuting pagkatao.

Uniporme

  • Mag-suot ng damit na pang-araw-araw na madaling makakilos.
  • Ikabit ang pangalan (ID) sa bandang kaliwa ng dibdib.
    Ang pangalan ng grade 1 at 2 ay nakasulat sa hiragana. Simula grade 3 ay nakasulat sa kanji.

    name plate

    name plate

  • Magdala ng Diyaket kapag panahon na madaling magbago ang temperatura.
  • Magsuot ng nararapat na damit sa oras ng leksyon ng PE.
    • Taglamig ・・・・・・・・ Mahabang manggas na pang-itaas at pantalon.
    • Taginit (Hunyo hanggang Oktubre) ・・・・・・・ Maigsing manggas na pang itaas at maigsing pantalon .
  • Magsuot ng sapatos na walang suwelas (takong).
    • Sapatos na panloob ・・・・・・・ Puting sapatos
      (Madaling isuot ang sapatos na walang tali para sa mga ika 1 at ika 2 grado.)
    • Sapatos na panlabas ・・・・・・・ Sapatos na pang-isport (na-aangkop sa lahat ng panlabas na gawain).

Pangalan sa mga kagamitan

  • Isulat ang pangalan, grado at klase sa lahat ng kagamitan.
    Sa ibang eskuwelahan, ipinapasulat ang taon ng pagpasok sa halip na isulat ang pangalan at klase.
    Halimbawa, H24入 ( Heisei 24 taon pumasok)
    Isulat ang pangalan sa likod ng sakong ng sapatos upang madaling malaman sa lagayan ng sapatos.

Tanghalian sa Eskuwelahan

 Ang mga estudyante ay may kanya kanyang katungkulan sa paghahanda at pagliligpit ng pagkain sa eskuwelahan.

School lunch

School lunch

<Paghahanda>
  • Ilagay ang chopstick sa isong lagayan at dalhin sa eskuwelahan araw araw. Iuwi ito araw araw at hugasan.
  • Isuot ang uniporme na diyaket,sombrero at maskara
  • Iuwi ang mga gamit na ito na nakalagay sa lagayan(diyaket, sombrero, at maskara)tuwing biyernes upang labhan. Dalhin ulit ang mga bagay na ito pagpasok ng Lunes. Depende sa eskuwelahan , kung ikaw ang maghahanda o bibili, o ang eskuwelahan ang maghahanda ng uniporme isusuot sa tanghalian .
  • Ang estudyante na nakatakdang maghanda ay kailangan mag-gupit ng kuko at mag-hugas ng kamay.

school lunch uniform

school lunch uniform
Kailangan bumili ng sariling maskara.

<Uri ng pagkain sa eskuwelahan>
  • Mayroong tanghalian sa eskuwelahan simula Lunes hanggang Biyernes. Ang pangunahing pagkain ay kanin, tinapay at gatas.

An example of school lunch with rice
Halimbawa ng pagkain na may kanin

An example of school lunch with bread
Halimbawa ng pagkain na may tinapay

 Mayroon araw na walang inihahandang pagkain dahilan sa nakatakdang gawain sa eskuwelahan, ang estudyante ay kinakailangan magdala ng baon (“obento”) sa eskuwelahan. Tignan mabuti ang listahan ng tanghalian sa eskuwelahan o tignan ang listahan ng klase o grado kung kailan nararapat magdala ng “obento”. Ang baon ay kinakailangan mula sa sariling luto at gawa.

An example of a homemade "bento", or lunchbox
Halimbawa ng luto sa sariling bahay na “obento”

An example of a homemade "bento", or lunchbox
Halimbawa ng luto sa sariling bahay na “obento”

Oras ng Paglilinis

 Ang lahat ng estudyante ay nararapat gumawa ng sama-sama upang mapanatiling malinis ang eskuwelahan.

  • Uniporme
    • Sundin ang mga patakaran tungkol sa uniporme na ipinasya ng eskuwelahan.
      Halimbawa: Gamitin ang pula at puting sombrero, palitan ang palda, at iba pa...
  • Iba pa
    • Ang bawat isa ay nararapat gumawa ng sama-sama ng paglilinis ng eskuwelahan sa ipinasyang oras na dapat maglinis.
    • Karamihan sa eskuwelahan ay naglilinis pagkatapos kumain ng tanghalian o pagkatapos ng oras ng rises.
    • Ingatan ang mga gamit sa paglilinis at ibalik sa dating lagayan pagkatapos gamitin sa paglilinis.
    • Ang pagbuo ng grupo ng paglilinis ay depende sa eskuwelahan, mayroon eskuwelahan na nagbubuo ng grupo batay sa klase o grado.

Cleaning time

Paraan ng pagtawag ng pangalan

 May patakaran ang bawat eskuwelahan na dugtungan ng “san” ang pangalan kapag tatawagin ang estudyante at “sensei” kapag tatawagin ang guro.
 Itinuturo sa eskuwelahan na dugtungan ng “san” , “kun” o “chan” ang pangalan ng kapwa estudyante.

How to address people

Paggamit ng palikuran(toilet)

  • Kapag gagamitin ang palikuran ng hapon, ipuwesto ang paa malapit sa inodoro upang maiwasan ang pagtulo sa sahig.
    Kapag nadumihan ang sahig, linisin at punasan ng toylet peyper.

    Japanese-style Toilet
    Palikuran ng Hapon

    Japanese-style Toilet
    Palikuran ng Hapon

    Western-style Toilet
    Palikurang moda ng Kanluran

    Japanese-style Toilet for Boys
    Palikuran ng hapon para sa lalake

    Japanese-style Toilet for Boys
    Palikuran ng hapon para sa lalake

  • Pagkatapos gamitin, siguraduhin na paagusin ang tubig .
  • Hilahin lamang ang panikwas upang umagos ang tubig. (Hilahin ang panikwas ng kamay)

    Using the bathroom
  • Huwag sayangin ang toylet peyper.
  • Siguraduhin na paagusin ang ginamit na toylet peyper.

    Using the bathroom
  • Pagkatapos gamitin, tignan mabuti ang loob ng palikuran bago lumabas. Iwanan ang palikuran na kasinlinis bago mo gamitin.

    Using the bathroom
  • Hugasan mabuti ang kamay at punasan ng sariling panyo.