Nilalaman > Pamumuhay sa Elementarya > 2.Pansariling Kagamitan

2. Pansariling Kagamitan

Mga bagay at gamit na kinakailangan sa paaralan

Gamit sa pag-aaral

 Ang mga gamit na kinakailangan ay depende sa eskuwelahan at taon ng pasukan.Basahin mabuti ang pahayag tukoy sa asignatura at sundin lamang ang tagubilin ng guro.

  • Ihanda ang gamit na angkop sa pag-aaral
    • Hind kailangan ang mamahalin, marangya o kaya makakaabala sa silid-aralan
    • Ang pansapin sa notebook para di-bumakat ang sulat ay kinakailangan na simple at hindi gawa sa papel
  • Mga gamit na kailangan sa pagpasok sa eskuwelahan
<Mga gamit na bibilhin sa eskuwelahan>

 Halimbawa na nakasulat sa ibaba:Umorder at babayaran sa eskuwelahan ng magulang

  • Gamit sa Aritmetik
  • Notebook ng pagbibigay-alam at lalagyanan
  • Notebook ng Nihonggo, Matematika at
    Ekstrang notebook
  • Luwad(Clay), kahon, tabla
  • Trey na gagamitin kapag kakain ng tanghalian sa eskuwelahan (ginagamit din ito sa junior hayskul.)
  • Notebook ng Hiragana
  • kagamitan sa pag-aaral ng pamumuhay at pantahanan
  • lapis sa pagsasanay magsulat,ballpen
  • kahon na lalagyan ng mga gamit
<Kinakailangan bilhin mismo>

 Ang mga nakasulat sa ibaba ay nararapat ihanda ng sarili. Hindi na kinakailangan bumili kapag mayroon ka ng mga gamit na ito.

  • Harmonika
  • I-hipan ng Harmonika (mahaba)
  • I-hipan ng Harmonika (maigsi)
  • Kagamitan sa pagpinta
  • Puti at pulang sombrero
  • Uniporme sa PE
  • Luksong lubid
  • Gunting, Pandikit
  • Krayola (12 kulay)
  • Kolor Pensil (12 kulay)
  • Uniporme kapag kakain ng tanghalian
  • Lalagyan ng lapis, sapin sa notebook

Mga gamit na dadalhin sa unang araw ng pagpasok
 (May pagkakaiba ang mga gamit depende sa eskuwelahan, tignan lamang ang mga sulat na nagbibigay alam tungkol dito)

  • Kasulatan na magbibigay alam ng pagtanggap ng pagpasok (galing sa munisipyo)
  • Bag na pang eskuwelahan(randoseru), (na lalagyan ng mga libro na tatanggapin sa unang araw ng pagpasok)
  • Sapatos na panloob, panlabas, bag na lalagyan ng sapatos
  • Kahon na lalagyan ng gamit (kahon na ilalagay sa ibaba ng sariling lamesa)

Isulat ang pangalan sa lahat ng kagamitan

  • Isulat ang pangalan ng malinaw at sa lugar kung saan madaling makita
  • Sulatan ng pangalan ang isang pirasong tela at itahi sa gamit na hindi masusulatan o hindi maaaring sulatan.
  • Sulatan ang lahat ng piraso ng gamit ng aritmetik (block, stick, kards, at iba pa)

Mga bagay na nararapat dalhin kapag nagsimula na ang pasukan

  • Mga bagay na dapat dalhin araw-araw
    • Bag na pang-eskuwelahan(randoseru)
    • Lalagyan ng lapis ( limang “2B” o “B” na lapis, isang pula-asul na lapis, at isang puting pambura)
    • Notebook sa pagbibigay-alam at lalagyanan
    • Panyo
    • Tisyu Peyper
    • Sipit(Chopsticks)
    • Maliit na tuwalya na basa(Pamunas)
  • Mga bagay na dapat dalhin kung kinakailangan
    • Uniporme isusuot sa tanghalian
    • Bag na lalagyan ng gamit(chopsticks, tuwalya)
    • Uniporme ng PE, pula at puting sombrero at lalagyanan ng libro.
    • Kagamitan sa pagpinta(malaking brush,manipis na brush, pinta (12kulay),hugasan ng brush,
      maliit na tuwalya at lalagyanan.
    • Sipilyo (Mayroon eskuwelahan na nag-uutos na mag-sipilyo ang estudyante pagkatapos kumain ng tanghalian.)

 Magpapadala ang eskuwelahan ng sulat sa inyo. Tignan at basahin ang kasulatan mabuti . Nakasulat dito kung ano ang kinakailangan dalhin ng estudyante.

Mga gamit na dadalhin simula grade 2 pataas (Tignan ang mga larawan na nasa ibaba)

 May mga gamit na kinakailangan dalhin mismo ng estudyante, subalit may mga gamit na bibilhin sa eskuwelahan. Magtanong lamang sa guro.

  • Simula sa grade 2 para sa aritmetik
    • Ruler (simula grade 2)
    • Triyanggulo (simula grade 3)
    • Panukat ng ibat-ibang anggulo (simula grade 4)
    • Kompas (simula grade 3)
  • Grade 3 pataas
    • Diksyunaryo para sa mga bata na nasa Grade 3
    • Diksyunaryo ng Kanji para sa Bata na nasa Grade 3 (Chinese character)
    • Rikorder (Plauta)
    • Mga gamit ng pagsasanay sa pagsusulat (Shuji)
    • Mga gamit sa paguukit (Simula grade 4 pataas)
  • Grade 5 at 6
    • Kagamitan sa pananahi

Kagamitan sa PE

  • Uniporme sa PE na aprubado ng eskuwelahan
    ≪Sa tag-init≫
    Maigsing pantalon, maigsing manggas na kamiseta
    Ilagay ang mga damit pang-PE sa nararapat na lalagyanan
    ≪Sa tag-lamig≫
    Mahabang manggas na kamiseta, mahabang pantalon
  • Ang klase sa paglangoy ay ginaganap sa panahon ng tag-init(Hunyo hanggang unahan ng Septyembre)
    Dalhin ang iyong kard sa paglangoy (ibibigay ito ng eskuwelahan) at ang mga gagamitin sa paglangoy, katulad ng damit pampaligo, sombrero sa paglangoy, tuwalya at salaming de-kolor sa paglangoy goggles(kung kinakailangan).
    ※ Ang tuwalya ay gagamitin hindi lamang pamunas ng katawan; gagamitin din ito upang pang-takip ng katawan kapag mag-bibihis ng damit. Tuwalyang pambalot o pambalabal “Wrap Towels” ang karaniwang ginagamit.
  • ラップタオル

    ラップタオル

    ラップタオル

Kagamitan para sa pagkain ng tanghalian sa eskuwelahan

  • Mga bagay na ilalagay sa lalagyan ng baon ng eskuwelahan at kinakailangan dalhin araw araw
    • Sipit “Chopsticks”(Ilagay ito sa kahon nito)
    • Pamunas(maliit na basang tuwalya na may lalagyan)
       Ang tuwalyang ito ay gagamitin pamunas at panglinis ng bibig, kamay at trey. Ang guro ang magsasabi kung kailan ito dapat dalhin.
  • Gagamitin kapag kakain(Epron, sombrero, maskara sa bibig)
     Dalhin sa eskuwelahan ng Lunes, iuuwi ng Biyernes upang labhan.

Iba pang bagay (Itanong lamang ang iba pang bagay sa sariling guro)

Mag-ingat lamang

  •  Hindi nararapat magdala ng pera na hindi kinakailangan sa eskuwelahan. At di rin nararapat gumamit o magsuot ng relos at aksesori.(maliban sa mga bagay na may kinalaman sa relihiyon at gagamitin sa pambihirang okasyon). Ang estudyante ay hindi nararapat magdala ng mga bagay na hindi kailangan sa eskuwelahan katulad ng pagkain, inumin, librong kartuns at mga kompyuter geym.

Reperensya

 Kailangan sakto ang bawat sukat. 

Bag na lalagyan ng uniporme ng PE

 Ang laki ng supot ay kinakailangan na magkasya ang uniporme ng PE (maigsi at mahaba manggas).
 Ang bag ng uniporme ng PE ay kinakailangan na Napsak upang madaling dalhin.

Gym bag

Gym bag

Gym bag

Bag ng Baon

 Ang laki ng bag ay kinakailangan na mailagay ang chopstick/lalagyan at pamunas.

Lunch Bag

Lunch Bag

Bag na lalagyan ng libro

 40 cm × 30 cm

School bagSchool bag

<Gamit sa Pagsusulat>

Pencil case Pencil
Pencil case Lapis

<Mga gamit sa klase ng Musika>

Recorder Recorder Piano Harmonica Piano Harmonica
Plauta Piyano Harmonika

<Mga gamit sa klase ng Sining>

Set of watercolors instruments Set of watercolors instruments Crayon Chisel and others
1 Set na gamit para sa watercolors
I-click ang kanang picture para makita ito nang mas ma laki.
Krayola Gamit sa Pag uukit
粘土 粘土
Clay

<Mga gamit sa Aritmetik>

Ruler Protractor コンパス 算数セット
Ruler Protractor Compass Arithmetic set
そろばん そろばん
Abacus/Soroban
(Ito ay kadalasan maaaring mahiram sa eskuwelahan.)

<Mga gomit sa klase ng Kaligrapiyan ng Hapon>

習字セット
Calligraphy set

<Gamit sa klase ng Edukasyong Pantahanan>

Sewing set Sewing set
Gamit sa Pananahi