Nilalaman > Pamumuhay sa Elementarya > 1.Pamumuhay sa Paaralan at Regulasyon > Trapiko sa Kalsada at Pagsakay ng Bisikleta

Trapiko sa Kalsada at Pagsakay ng Bisikleta

  •  Kapag ikaw ay naaksidente, ipaalam lamang sa eskuwelahan.
  •  Ang mga tao ay nararapat lumakad sa bandang kanan, samantala ang bisikleta at sasakyan dumaraan sa bandang kaliwa ng kalye.
  •  Tignan ang magkabila ng daan bago tumawid ng kalsada. Kung mayroong signal layt, hintayin ang senyales na puwedeng lumakad bago tumawid ng daan. Huwag tatawid sa harapan o malapit sa sasakyan.
  •  Sumakay ng bisikleta ng maayos na itinuro ng magulang.
  •  Iwasang gamitin o sumakay ng bisikleta tuwing umaga at gabi nang madaliang oras.
  •  Ilan sa mga eskuwelahan ay nag-uutos na mag-helmet ang mga estudyante kapag sasakay ng bisikleta.
  •  Kapag umuulan o umuulan ng yelo (snow) o kapag may natipon na yelo sa kalsada, iwasan sumakay ng bisikleta.
  •  May ilan sa mga eskuwelahan na humihiling na mangako ka na iwasan sumakay ng bisikleta kapag basa ang kalsada.

 Mga lugar na hindi delikado sa pag-sakay ng bisikleta (Depende sa eskuwelahan ang mga lugar na nararapat mag bisikleta. Itanong lamang sa iyong guro.)

<Grade 1 at 2>
  •  Parkeng Pambayan at ibang lugar na ipinasya na hindi delikado ng magulang.
<Grade 3 at 4>
  •  Daan na walang dumadaan na bus at masikip na daan na walang masyadong dumadaan na sasakyan.
     Ang ika 3 grado ay hindi maaring mag bisikleta sa daan hanggang hindi natatapos ang pag-aaral sa klase kung paano sumakay ng bisikleta ng walang panganib. Bago magsimula ang klaseng ito, may mga eskuwelahan na nagsasagawa ng inspeksyon ng bisikleta. Impormasyon na katulad sa halimbawa na porm na sumusunod. Hindi nararapat sumakay at lumabas ng kalsada kahit nakatapos na sa pagaaral ng “klase kung paano sumakay ng bisikleta ng walang panganib”, na walang pahintulot ng pamilya o magulang.
<Grade 5 at 6>
  •  Sumakay ng bisikleta ayon sa iyong kakayahan. Ayon sa patakaran, hindi nararapat sumakay ng bisikleta sa labas ng distrito ng eskuwelahan.
    Ang bawat eskuwelahan ay may kanya-kanyang purok (national road, malaki at maluwag na daan na maraming sasakyan o bus) na ipinagbabawal mag-bisikleta.
  •  Hindi nararapat mag bisikleta kapag umuulan ng yelo, kapag may natipon na yelo sa kalsada, o kapag umuulan.
  •  Mayroong eskuwelahan na hindi pumapayag na sumakay ng bisikleta ang estudyante pagkatapos umulan.

Reperensiya

Katanungan sa Pagsusuri ng Bisikleta
Araw ng Pagsusuri:
Grado    Klase     Pangalan
◎ Mga Puntos Sa Pagsusuri◎ Resulta ng pagsusuri
1 Wasto ba ang laki ng bisikleta sa taong sasakay dito? (  ) Oo
(  ) Hindi
2 Abot ba ang paa sa lupa ng taong nakasakay, kapag    nakaupo? (  ) Oo
(  ) Hindi
3 Gumagana ba ang preno sa harap at likod?(  ) Oo
(  ) Hindi
4 Gumagana ba ang ilaw?(  ) Oo
(  ) Hindi
5 Matibay ba ang hawakan?(  ) Oo
(  ) Hindi
6 Wala bang diperensiya ang ibang bahagi ng bisikleta? (  ) Oo
(  ) Hindi

 Nararapat gawin ang pagsusuring ito ng magulang, at kapag kinakailangang kumpunihin ang bisikleta, dalhin mismo sa pagawaan ng bisikleta at ipakumpuni ang mga bahagi na may diperensiya.

Road Traffic and Riding a Bicycle