Nilalaman > Bago pumasok sa Elementarya > 3.Suporta sa Pagpapalaki ng Bata

3. Suporta sa Pagpapalaki ng Bata

 Ang Institusyon na sumusuporta sa pagpapalaki ng bata at ang Child Rearing Land Abe ay institusyon na sumusuporta sa mga pamilya sa pagpapalaki ng bata. Maraming gumagamit ng institusyong ito para komunsulta tungkol sa pagpapalaki ng bata, makakuha ng mga impormasyon tungkol sa serbisyo ng daycare at palaruan ng bata. Maraming tao ang gumagamit sa mga institusyong ito kapag masama ang panahon.

Mga Institusyon na sumusuporta sa pagpapalaki ng Bata

 Matatagpuan ang mga institusyon na sumusuporta sa pagpapalaki ng bata sa mga sumusunod. Tungkol sa oras at bayad ng serbisyo, tumawag lamang at magtanong lamang sa bawat institusyon.

Institusyon Sumusuporta sa pagpapalaki ng Bata Lunsod ng Yamagata
Konomi Seibu Daycare023-647-4883Minami Ishizeki 30-1
Kinder Daycare023-622-7438Miya-machi 2-4-13
Chitose Nonohana Daycare023-666-4666Hanatate 2-12-2
Tsukumo Daycare023-622-7623Dou-machi 2-10-1
Tsubasa Daycare023-634-6253Saiwai-cho 11-3
Dewa Daycare023-684-3018 Oaza Senjudo aza Sawada 203-5
Tochinomi Daycare023-666-8899 Minami Yonbancho 3-11
Minami Yamagata Sukusuku Daycare023-689-1182Oaza Matsubara 159-1
Benibana Daycare023-686-4808Datejou 2-9-7
Hohoemi Daycare023-643-7176Kita Yamagata 1-6-5
Maria Komakusa Daycare023-676-7822Kami Sakurada 5-11-16
Midori no Mori Daycare 023-623-7800 Midoricho 3-7-67
Shima Daycare 023-679-5028 Shima Kita 2-11-18
Himawari Daycare 023-688-7351 Oaza Katayachi 59
Iizuka Harappa Daycare 023-666-6835 Iizukamachi 1447-4
Kanai Daycare 023-681-0371 Jinba 3-12-60
Kinomi Kita Daycare 023-674-6500 Hatagomachi 1-9-5
Suginoko Daycare 023-681-8120 Senami 1-2-7
Konomi Daycare 023-687-0855 Hanadate 2-44-1
Hayabusa Daycare 023-664-1701 Numagi 1139-16
☆Palaruan

 Ang palaruan ay kapalit na lugar para sa mga bata na walang makakalaro. Puwedeng pumunta dito para makipaglaro sa ibang bata. Maaari ding makipagusap sa kapwa magulang tungkol sa pagpapalaki ng bata.
Oras Lunes hanggang Sabado 8:30~12:00 at 13:00~16:30

☆Konsultasyon ng Bata

 Puwedeng humingi ng payo tungkol sa mga alalahanin tungkol sa pag-aalaga ng bata
(Tungkol sa Pagtulog, Pagpapasuso, Pagkain ng sanggol, Pagsasanay ng Palikuran, Kalusugan, Pananalita, Disiplina, Suporta sa sarili at iba pa.)
Deretsong Konsultasyon  Lunes hanggang Sabado 9:00~16:30
Konsultasyon sa Telepono Lunes hanggang Biyernes  9:00~16:30

☆Nagbibigay din ng mga impormasyon tungkol sa pagpapalaki at kalusugan ng bata.

Child Rearing Land Abe, Plasa para sa Magulang at Bata

 Ang Child Rearing Land Abe ay Institusyon na nagtataguyod at namamagitan sa magulang at bata at nagbibigay ng suporta sa pagpapalaki ng bata.
 Oras
 9:00~17:00 Sarado ng Huwebes, huling Martes ng Buwan, Bakasyon ng Katapusan ng taon.
(hanggang 3 oras lamang sa loob ng isang dalaw)

Magtanong lamang sa    
 Child Rearing Land Abe NANA-BEANS 4F Nanoka-machi 2-7-10, Lunsod ng Yamagata 
 TEL 023-615-1930

 
Child Rearing Land Abe
 

Organisasyon tumutulong sa Pamilya

 Ang Organisasyong ito ay para sa mga magulang na naghahangad ng tulong sa pagpapalaki ng anak (miyembro lamang) at mayroong mga kawani na tumutulong sa pag-aalaga (tumutulong na miyembro at mga boluntaryo). Ang organisyong ito ay maaaring mag-alaga sa bata sa mga sitwasyon na nakasulat sa ibaba:

  • Pagkatapos ng kindergarten at daycare.
  • Kapag may nangyaring hindi inaasahan o biglaang pag-alis.
  • Kapag sarado ang pinapasukang daycare o kindergarten.
☆ Impormasyon para maging kasapi ng organisasyon (sa mga taong naghahangad ng suporta)
  • Ang mga Tao na nakatira at nagtatrabaho sa Lunsod ng Yamagata
  • Mga Magulang o tagapag-alaga ng bata simula sanggol hanggang 6 na taong gulang na pumapasok sa elementarya.
☆Halaga ng Bayad

Simula 7:00 hanggang 19:00, 1 oras = 700 yen; Sa ibang oras at pambansang bakasyon, 1 oras = 800 yen; ang halaga ng pagkain at iba pang gastusin ay pagpapasyahan at pag-uusapan.

Magtanong lamang sa:  Institusyon ng Pagsuporta sa Pamilya sa Yamagata
   Lunsod ng Yamagata, Saiwai-cho 11-3 (sa loob ng Tsubasa Daycare)
   TEL: 634-6270
   Oras ng bukas: 8:30 - 17:00
   (Sarado ng Linggo, pambansang bakasyon, at bakasyon sa katapusan ng taon)