Nilalaman > Pagpasok sa Senior Hayskul > 2.Mga Bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng Eskuwelahan na papasukan
2. Mga Bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng Eskuwelahan na papasukan
Pumili ng isang eskuwelahan na papasukan
Importante na huwag pumili ng eskuwelahan na gustong pasukan na batay lamang sa marka ng grado. Isipin ang sariling personalidad at katangian at pag-isipan kung ano ang gustong maging trabaho sa kinabukasan.
Mga Paraan sa pagpapasiya kung saan eskuwelahan papasok
Layunin
Siguraduhin kung ano ang nais na pag-aralan upang malaman kung ano ang pangarap at upang mapabuti ang sariling katangian.
Pagpili ng eskuwelahan
Pumili ng eskuwelahan na bagay sa sarili pagkatapos ng komunsulta tungkol sa akademya, pagtingin ng pamplet, hanbuk ng eskuwelahan (na makikita sa internet) at pagpunta sa eskuwelahan mismo.
Pag-aapruba
Sumangguni sa pamilya at guro tungkol sa mga paraan ng pag aaplay sa eskuwelahan na napili, kung paano pumunta at ibat-ibang bagay. Piliin ang eskuwelahan na bagay sa sarili.
Resulta
Mga ibang Mahalagang Paalala
Sa mga taong kararating lang sa Japan o walang sapat na kaalaman sa salitang hapon ay maaaring mahirapan sa eskuwelahan (tungkol sa kurikulum at pangkalahatng pamumuhay sa eskuwelahan). Ang mga estudyante na gustong kumuha ng pagsusuri upang makapasok ng hayskul ay kinakailangan na nakakaintindi at kayang makipagusap sa guro at mga kaeskuwela sa salitang hapon.