Nilalaman > Junior Hayskul > 3.Kalendaryo ng Eskuwelahan sa loob ng Isang Taon

3. Kalendaryo ng Eskuwelahan sa loob ng Isang Taon

Listahan ng mga Gawain na ginaganap sa eskuwelahan sa loob ng isang taon.
(Ang panahon at gawain ay depende sa bawat eskuwelahan).

Buwan Gawain Nilalaman Pagsali ng Estudyante Pagsali ng Magulang Panonood ng Magulang
Abril Seremonya ng Pagpapaalam sa mga Guro  Seremonya sa pagpapaalam ng mga guro na aalis ng eskuwelahan (mayroong eskuwelahan na ginaganap ito sa huling Marso.) ○    
Seremonya ng Inagurasyon  Seremonya sa pagsalubong sa mga bagong guro sa taon ng bagong pasukan. ○    
Seremonya ng Bagong Pasukan  Pagsalubong sa mga estudyante ng Unang Grado, dadalo ang mga magulang. ○ ○  
Pagsukat ng Pangangatawan  Pagsukat ng taas, timbang, taas ng pagkakaupo, pati na rin ang paningin at pandinig. ○    
Pagsusuri ng Kalusugan  Pagsusuri ng kalusugan ng buong katawan ng estudyante.
 Kasama na ang panloob na sangkap ng katawan, ngipin, mata, tainga at ilong,ihi at loob ng tiyan.
○    
Marathon
(Paligsahan ng Pagtakbo)
 Paligsahan ng Pagtakbo sa pagitan ng mga eskuwelahan.
 Ang mga estudyante ay dumadalo upang suportahan ang sariling eskuwelahan.
○   ○
Mayo Paglalakbay  Ang mga estudyante na nasa Pangatlong grado ay magpupunta ng ibang lugar.
 Ang lugar na pupuntahan ay depende sa bawat eskuwelahan Ang mga estudyante ay sasamahan ng guro.
○    
Manatili sa ibang lugar  Pag-aaral sa labas ng eskuwelahan .(ang panahon ay depende sa eskuwelahan) ○    
Iskursiyon Pag aaral sa labas ng eskuwelahan Pag oobserba  Ang pag-aaral sa labas ng eskuwelahan na ginaganap katulad ng pagpunta sa ibang lugar, karanasan magtrabaho, pakikipag ugnayan sa kalikasan.
 Sa mga paglalakbay na ito, ang estudyante ay kinakailangan magdala ng baon na pagkain.
(ang panahon ng pag-alis ay depende sa mga eskuwelahan)
○    
Hunyo Paligsahan ng Laro sa Lahat ng Mataas na Paaralan sa Japan  Paligsahan ng Laro ng mga klab sa pagitan ng eskuwelahan na nasa parehong purok Ang mga nanalong klab ay makakalahok sa mas mataas na Pambayan at Pambansang Paligsahan. ○   ○

Hulyo
Agosto

Bakasyon sa Taginit  Mahigit kumulang, isang buwan na bakasyon, simula katapusan ng Hulyo hanggang kayapusan ng Agosto. ○    
Septyembre Araw ng Paligsahan ng Laro  Paligsahan kabilang ang gawaing pangkatawan, pabilisan at pagtutulungan ng bawat magkakasama.
(Karamihan sa eskuwelahan na ginaganap ito tuwing panahon ng Tagsibol).
○ ○ ○
Oktubre Paligsahan para sa mga Bagong Manlalaro  Paligsahan ng isport para sa bawat miyembro ng sports club mula sa una at ikalawang grado lamang. ○   ○
Nobyembre Paligsahan ng Kantahan
(Piyesta ng Kultura)
 Paligsahan ng Kantahan (ginaganap sa loob ng eskuwelahan) ng bawat grado at klase.
 Ginaganap sa dyim ng eskuwelahan o sa bulwagan sa labas ng eskuwelahan.Karamihan sa mga eskuwelahan na ginaganap ito sa panahon ng Piyesta ng Kultura o araw ng pagtatanghal ng mga bata na ipapakita sa mga magulang.
○   ○
Disyembre
Enero

Bakasyon ng katapusan ng Taon
(Bakasyon sa Tag lamig)

 katapusan ng Disyembre hanggang umpisa ng Enero. ○    
Pebrero Pagsusulit sa Pribado Paaralan para makapasok ng Hayskul  Ang Pagsusulit sa pribadong paaralan para makapasok ng hayskul ay ginaganap sa buwan ng Pebrero. ○    
Marso Pagsusulit sa Publikong Paaralan para makapasok ng Hayskul  Pagsusulit para makapasok sa pang Publikong Paaralan ng hayskul. ○    
Seremonya ng Pagtatapos (Graduation)  Ang mga ika 3 grado nan aka kumpleto ng pagaaral ay makakatanggap ng Diploma ng Pagtatapos.
 Lahat ng estudyante at mga magulang ng mga estudyante sa ikatlong grado ay inaasahan na dumalo.
○ ○  
Seremonya ng Pagtatapos ng taon  Seremonya ng Pagtatapos ng Pag-aaral ng Taon. ○    
Bakasyon sa Tag Sibol  Bakasyon simula sa araw ng Seremonya ng Gradwasyon hanggang Seremonya ng Pasukan. ○    

Chorus Concur
Paligsahan ng Kantahan

Sports Day
Paligsahan ng Laro

Paki-print ang
page na ito.