Nilalaman > Pamumuhay sa Elementarya > 7.PTA at Gawain ng mga Magulang

7. PTA at Gawain ng mga Magulang

PTA (Parent-Teacher Association)

Ano ang PTA?

 Ang PTA ay ginawa na asosasyon ng magulang at guro na nagtutulungan upang mapaunlad ang kahalagahan ng edukasyon at gumawa ng maayos na kapaligiran para sa pag-aaral at bigyan ng proteksyon sa anumang disgrasya.

Panlahatang pagtitipon ng PTA
 Ang mga napiling kinakatawan ang namamahala sa mga gawain at badyet ng PTA. Pipiliin ang mga kinakatawan sa ginaganap na halalan sa simula ng taon ng pasukan. Ang mga pagpupulong ng PTA ay maagang isinasagawa para sa itatakdang gawain.
PTA sa bawat Grade
 Ang mga napiling kinakatawan, ang magpaplano ng mga gawain ng PTA sa loob ng isang taon at makikipagusap sa ibang miyembro. Ang mga magulang ay gagawa ng magkakasama upang malaman ang mga naka-planong gawain. Ang mga nilalaman ng gawain ay depende sa bawat eskuwelahan at bawat grade subalit karaniwan na ginaganap ang pagtitipon ng magulang at gawain ng mga estudyante. At kasama na rin ang gawain ng mga grade 6 sa paghahanda ng seremonya ng pagtatapos.
Eleksiyon ng mga Opisyal
 Ang Opisyal para sa bawat grado at distrito ay mga pinipili. Ang pamamaraan at posisyon ng eleksiyon na ginaganap ay depende sa bawat eskuwelahan. Ang mga opisyal ang nagiisip ng mga gawain subalit lahat ng miyembro ng PTA ay tutulong sa paghahanda ng mga gawain na gaganapin sa buong taon.

Mga Gawain ng Magulang

Pag-oobserba ng Leksiyon
 Ang mga magulang ay mayroong ilang pagkakataon na mag-obserba ng kalagayan ng mga bata sa silid-aralan. Ang gawaing ito ay magandang pagkakataon para sa magulang na makita ang pangkaraniwang kalagayan ng mga bata habang nasa eskuwelahan. Mayroong eskuwelahan na ginaganap ang gawaing ito ng pangkaraniwan sa loob ng isang buong araw, subalit ang ibang eskuwelahan ay ginaganap ang gawaing ito ng takdang araw. Maaari din mag-obserba ng ibang gawain katulad ng Paligsahan ng Laro at Paligsahan ng Paglangoy. Magbibigay ng maagang pahayag ang eskuwelahan sa magulang tungkol sa gawaing ito .
Pagpupulong ng Magulang
 Ang mga magulang ay magpupulong pagkatapos ng pag-oobserba ng leksyon at mag-usap sa mga bagay tungkol sa klase. Pagpupulong ng lahat ng grado, o tungkol sa kalagayan ng mga bata sa silid aralan. May oras na ginaganap ang pagtitipon ng biglaan kapag may biglaang pangyayari.
Pag-bisita ng Guro
 Ang Guro ay bibisita sa bahay ng estudyante upang makipagusap at makipagugnayan sa pamilya ng estudyante. Ang guro ay makikipag-usap sa magulang upang pagpasyahan kung kailan at anong oras gaganapin ang pagbisita.
*Kapag ang seksiyon at guro sa susunod na taon, mayroong eskuwelahan na gaganapin ang pagbisita tuwing ikalawang taon..
Pamamahagi ng Report Kard sa Eskuwelahan
 Ang report kard tungkol sa pag-aaral at kagandahang-asal ng bata sa eskuwelahan ay ibibigay sa magulang sa bawat semestre. Mayroon pamamaraan na ibibigay ang report kard mismo sa magulang at mayroon din pamamaraan na ibibigay ito sa bata. Kapag ang kard ay ibinigay sa magulang, ang guro ang magbibigay-alam tungkol sa takdang-aralin na gagawin sa loob ng mahabang bakasyon at iba pang impormasyon tungkol sa katapusan ng semestre. Depende sa eskuwelahan at semestre kung kinakailangan ng konsultasyon sa magulang. (Ang pahayag ay maagang ipapadala)
*Kung hindi makakapunta sa araw ng pagtanggap ng kard, ipaalam lamang sa guro at papalitan ang araw at oras.Ang magulang ay kinakailangan pumunta upang tumanggap ng kard.
Konsultasyon ng Guro at Magulang
 Ang guro ay makikipagkita sa magulang upang pagusapan ang tungkol sa pag-aaral at pamumuhay sa eskuwelahan. (Ang pahayag ay maagang ipapadala)

<Iba pa>

Asosasyon ng mga Bata
 Ang bawat distrito ay mayroon Asosasyon para sa mga bata. Ito ay kinakatawan ng mga magulang ng bata upang magtatag, maghanda at magsagawa ng mga aktibidad para sa mga bata. Depende sa bawat asosasyon ang mga gawain na gaganapin.

* Ilan sa mga gawain ng PTA o Asosasyon ng mga bata (pagluluto, o maliit na paligsahan ng mga laro) maaaring lumahok kahit hindi magaling maghapon. Magandang pagkakataon ang gawain ito para sa mga bata at magulang upang magkakilanlan ang bawat isa. Subukan makisali kung maaari.

Grade PTA Activity "Let's make Kendama(cup & ball)"
Gawain ng PTA ng bawat grado "Paggawa ng Kendama (tasa at bola)"