Nilalaman > Pamumuhay sa Elementarya > 3.Kalendaryo ng Eskuwelahan sa loob ng Isang Taon

3.Kalendaryo ng Eskuwelahan sa loob ng Isang Taon

Listahan ng mga gawain na ginaganap sa eskuwelahan sa loob ng isang taon.
(Ang Panahon at Gawain ay depende sa bawat paaralan)

BuwanGawainNilalamanPagsali ng
Estudyante
Pagsali ng
Magulang
Panonood ng Magulang
Abril.

Seremonya ng

Inagurasyon
Seremonya ng pagsalubong sa mga bagong guro sa taon ng bagong pasukan. ○    
Seremonya ng Pagpasok Seremonya ng pagsalubong sa mga grade 1, mga magulang at mga lumahok ○ Unang grado  
Pagsalubong sa mga Grade 1 Pagsalubong sa mga grade 1 at pagbibigay ng pagkakataon na makilala at magsaya kasama ang mga estudyante sa lahat ng grado. ○    
Pagsukat ng Taas at Timbang Pagsusukat ng Taas, Timbang, Taas ng pagkakaupo, paningin at pandinig ○    
Pagsusuri ng Kalusugan Pagsusuri ng kalusugan ng buong katawan ng estudyante.Ang mga panloob na bahagi ng katawan, ngipin, mata, tainga at ilong, ihi at loob ng tiyan. ○    
Mayo Pag-aaral tungkol sa Kaligtasan Leksyon upang malaman ang tungkol sa tamang pagsakay ng bisikleta ng walang panganib at road safety rules. ○    
Pag-aaral sa labas sa pamamagitan ng Ekskursyon Pag-aaral sa labas ng eskuwelahan. Sa pamamagitan ng paglalakbay o Ekskursyon. Maraming pagkakataon na magdala ng baon na pagkain ang mga estudyante. (Ang mga gawaing ito ay kadalasang ginaganap sa panahon ng tag-lagas at depende rin sa eskuwelahan.) ○    
Hunyo Pag-aaral tungkol sa kalikasan Magpupunta sa ibang lugar at at titigil ng magdamag upang mag-aral. Pakikipag-ugnayan sa kalikasan at matutunan kung paano makipag-tulungan sa kapwa grupo at kaibigan. (Ang lalahok na grado ng estudyante ay depende sa bawat eskuwelahan) ○    
Paligsahan sa Takbuhan Paligsahan sa pagtakbo ng mahabang distansya ng mga estudyante (Mayroon eskuwelahan na ginaganap ito sa panahon ng taglagas at mayroon eskuwelahan na hindi ) ○   ○
Sumo Paligsahan ng Tradisyunal na laro sa Japan, Ang Sumo, (Mayroong eskuwelahan na wala ganito) ○   ○
Hulyo Paglangoy Ang klaseng ito ay ginaganap pagkatapos ng Hunyo.Ang mga estudyante ay natututo at nagiging magaling lumangoy sa klaseng ito.. ○    
Bakasyon sa Tag init
Agosto Rekord sa Paglangoy Paligsahan ng Paglangoy.Nagsisikap ang mga estudyante mag praktis upang magkaroon ng magandang record. Panonoorin din ang paglangoy ng kaibigan at kaklase. ○   ○
Septyembre Paligsahan ng Laro Paligsahan ng ibat ibang laro, karera ng takbuhan at pagtutulungan ng mag kakasama. (Mayroon eskuwelahan na ginaganap ito sa panahon ng tagsibol). ○ ○ ○
Pagpunta o Paglalakbay ng mga estudyante Mag-pupunta o mag-alakbay ang mga estudyante na nasa grade 6 sa ibang lugar. Ang layunin ng paglalakbay na ito ay upang matutunan ang kasaysayan at kultura ng lugar na pinuntahan. Pinapatibay ang pagkakaibigan at ang gawaing ito ay mananatiling magandang alaala at hindi malilimutang pangyayari para sa mga bata. (Mayroon eskuwelahan na ginaganap ito sa panahon ng tagsibol) ○    
Oktubre.
Nobyembre.
Pampaaralang Ulat Magtatanghal ang mga estudyante ng mga pinagaralan sa harap ng pamilya at mga kapit bahay. ○   ○
Disyembre. Bakasyon sa Taglamig
Enero. Kakizome Ang mga estudyante na nasa mababang grado ay gagamit ng lapis.Ang mga estudyante sa mataas na grado ay gagamit ng pinsel o brush.Ginaganap ito tuwing Bagong Taon. ○    
Pebrero. Klase ng Ski o Pag-aaral ng Pag-Ski Ang mga grade 1 at 2 ay gagamit ng “SORI” o “SKI” para magpadulas at magsiyasat ng kalikasan. Ang mga grade 3 pataas ay magpupunta naman sa lugar na maaring mag-aral upang magpaturo kung papaano mag-SKI. (Depende sa Eskuwelahan ang Grade na maaaring sumali sa klaseng ito).○    
Marso. Seremonya ng Pagtatapos Seremonya ng pagtatapos ng pag-aaral ng taon. ○    
Seremonya ng Pagtatapos Ang mga estudyante na naka-kumpleto at nakatapos ng pag- aaral sa grade 6 ay bibigyan ng Diploma ng Pagtatapos. Lahat ng estudyante ng ika 6 na grado at magulang ay inaasahan na dumalo.
(Ang mga estudyanteng magtatapos ay nakasuot ng Uniporme ng Mataas na Paaralan na kanilang papasukan.)
○ Ika 6 na grado  
Bakasyon sa Tag-sibol
Seremonya ng Pagpapaalam sa mga Guro Seremonya para magpaalam sa mga Guro na tumingin at nagturo sa mga Estudyante. ○    

Mga Bakasyon

Bakasyon sa Tag-init
1 Buwan na bakasyon, simula kalagitnaan ng Hulyo hanggang kalagitnaan ng Agosto.
Bakasyon sa Tag-lamig
2 linggo bakasyon, simula katapusan ng Disyembre hanggang sa umpisa ng Enero.
Bakasyon sa Tag-sibol
 Simula sa araw pagkatapos ng araw ng pagtatapos ng grade 6 hanggang sa araw bago ganapin ang Seremonya sa Pagpasok.
 Seremonya ng Pagpapaalam sa mga Guro (Guro na malilipat sa ibang eskuwelahan), ang mga estudyante na nagtapos ng grade 6 ay dumadalo sa seremonyang ito.

 Ang mga eskuwelahan ay mayroong 2 o 3 semestre. Ang eskuwelahan na mayroong 2-semestre ay mayroong maigsing bakasyon sa panahon ng Tag-lagas sa pagitan ng ika una at ikalawang semestre.

Paki-print ang
page na ito.