Nilalaman  > Elementarya at Junior Hayskul sa Japan > 3.Suporta sa Pag-aaral

3. Suporta sa Pag-aaral

 Mayroon pamamalakad na suporta sa pag-aaral sa lugar ng Lunsod ng Yamagata na tutulong sa mga bayarin ng mga gamit sa eskuwelahan, bayarin sa pagkain sa eskuwelahan, at iba pa. Para sa mga estudyante ng elementarya at junior hayskul.
 Sa mga magulang na gustong mag-aplay, komunsulta sa guro ng eskuwelahan na papasukan ng bata at kompletuhin ang mga kailangang papeles. Ipapaliwanag ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga nararapat gawin sa pagkumpleto ng mga papeles.

Ang maaaring tumanggap ng suporta sa pag-aaral

 Sa mga may alalahanin sa araw-araw na pamumuhay at may dahilan na nakasulat sa ibaba ay maaaring tumanggap ng suporta sa pag-aaral.

  1. Sa mga magulang na tumatanggap ng tulong o suporta mula sa Pamahalaan
  2. Sa mga magulang na hindi tumatanggap ng tulong o suporta mula sa pamahalaan subalit alam ng Kagawaran ng Edukasyon ng Lunsod ng Yamagata na nahihirapan sa kabuhayan. (Sumangguni lamang sa guro ng bata.)

Nilalaman ng suporta sa pag-aaral

     Para sa mga detalye tungkol sa suporta sa pag-aaral, magsiyasat lamang sa website: (Salitang Hapon lamang)
    http://www.city.yamagata-yamagata.lg.jp/shiseijoho/sub2/kakuka/kyoiku/gakkokyoiku/annai/syugakuenjo.html

Paraan ng Pag-aaplay

  1. Mayroong porm sa pag-aaplay sa bawat paaralan. Ang muling pag-aaplay at kauna-unahang pag-aaplay, ay nararapat gawin sa paaralan na pinapasukan ng bata. Gayun pa man, kapag lilipat ng eskuwelahan, kumpletuhin lamang ang mga porm sa pag-aaplay sa panahon ng paguusap sa Kagawaran ng Edukasyon.
  2. Ang resulta ay pagpapasyahan simula Enero hanggang Pebrero sa bawat eskuwelahan. Sumangguni lamang sa eskuwelahan na pinapasukan ng bata tungkol sa panahon ng simula at katapusan ng pag-aaplay. Gayun pa man, maaaring mag-aplay para sa suporta sa pag-aaral sa kalagitnaan ng taon ng pagpasok kapag may nangyaring pagbabago sa sitwasyon ng pamilya at kinakailangan ng suporta na-uukol sa pananalapi. Siguraduhin lamang alamin ang mga nararapat gawin sa maagang panahon.