Nilalaman > Bago pumasok sa Elementarya > 1.Kindergarten, Daycare, at iba pa

1.Kindergarten, Daycare, at iba pa

 Ang Institusyon na maaaring pasukan ng mga bata bago pumasok ng elementarya ay nahahati sa tatlong malaking grupo. Kindergarten, Daycare (Paalagaang institusyon) (lisensyadong institusyon at paalagaang institusyon na di-lisensyado). Hindi alituntunin o inuutos na pumasok sa mga institusyon na ito. Ang kindergarten ay institusyon nag-uukol ng pagtuturo para sa mga bata, subalit ang Daycare na lisensyado at Daycare na di-lisensyado ay lugar na sumusuporta upang mag-alaga sa mga bata na may mga natatanging dahilan sa pamilya. Ang maaaring tanggapin sa daycare ay ang mga batang may ibat-ibang dahilan at nangangailangan lamang ng suporta na alagaan. Sa taong 2009, itinatag ang “Nintei Kodomo En” (Authorized Child Care Program), awtorisasyon na pinagsama ang mga programa ng edukasyon ng bata, paalagaan ng bata at pagsuporta sa pagpapalaki ng bata. Idinagdag at sinimulan ang gawain ng “Pantahanang paraan na pag-aalaga ng bata” (Gawain ng Daycare Mama)”. Ang “Daycare Mama’s”, ay binigyan ng lunsod ng karapatan na mag-alaga ng mga sanggol o bata.

"Kindergarten"
Katayuan  Institusyon para sa mga bata na bago pumasok ng elementarya.
Edad na pwedeng tanggapin  3 taong gulang hanggang edad na bago pumasok ng elementarya.(Mayroong ibang paalagaan na tumatanggap ng mga bata simula 2 taong gulang.)
Kinakailangan para maka-pasok  Walang kinakailangan tungkol sa kinikita o sitwasyon ng pamilya.
Paraan ng pag-aplay  Mag-aplay sa tanggapan ng bawat kindergarten simula Septyembre. Malalaman ang resulta pagkatapos ng pag-uusap.
Halaga ng bayad Ang bayad sa pagpasok at bayad sa pagpapaalaga ay depende sa bawat kindergarten..

Iba pa  Ang Kindergarten ay nagsisimula sa pagitan ng 7:20 at 7:30 ng umaga at natatapos sa pagitan ng 13:30 at 14:00 ng hapon.Gayon pa man, sa mga pribadong kindergarten puwedeng magdugtong ng oras (serbisyo pagpaalaga pagkatapos ng pangkaraniwang oras ng kindergarten).Walang pasok kapag linggo, pambansang bakasyon, bakasyon ng tagsibol, tag-init, at taglamig.

 *Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kindergarten sa Lunsod ng Yamagata kumontak lamang sa Asosasyon ng Pribadong Kindergarten sa Lunsod ng Yamagata sa numero na ito 023-641-2323

"Institusyon na Paalagaan" o "Daycare"
Katayuan  Paalagaang Institusyon
Edad na puwedeng tanggapin Bagong panganak hanggang edad na bago pumasok ng elementarya.
Kinakailangan para maka-pasok  Walang mag-aalaga sa bahay. (Nagtatrabaho ang magulang sa araw)
Paraan ng pag-aplay  Para sa pasukan ng Abril, ang Lunsod ng Yamagata ay nagsisimulang tumanggap ng aplikasyon simula Septyembre. Pagkatapos ng pakikipag-usap (tungkol sa pamilya), ang resulta ay ipapadala sa pamamagitan ng sulat galing sa Yamagata.
 Kapag naghahangad na makapasok ng taon na iyon.Tumatanggap ng aplikasyon bawat buwan. Subalit, may pagkakataong hindi matanggap sa taong iyon dahilan sa may limitasyon ang bilang ng bata.
Halaga ng bayad  Ang halaga ng bayad ay depende sa binabayad na buwis ng pamilya.
Iba pa Ang Daycare ay nagsisimula ng 7:00 ~ 18:00, puwede rin ipagpatuloy hanggang 19:00 (may pagkakaiba ang oras ng pampublikong daycare sa pribadong daycare.) Sarado ng linggo, pambansang bakasyon at katapusan ng taon.  Ang Daycare ay hinahati ng dalawang institusyon. “munisipal daycare” (Pinamamahalaan ng Lunsod ng Yamagata) at ang “pribadong daycare” (Pinahintulutan ng Lunsod ng Yamagata na mamahala ng daycare). Pareho ang nilalaman ng serbisyo ng dalawang institusyon na ito.)
"Paalagaang Institusyon na Walang Lisensya"
Katayuan  Paalagaang Institusyon
Edad na puwedeng tanggapin  Bagong panganak hanggang edad bago pumasok ng elementarya.(depende sa paalagaang institusyon.)
Kinakailangan para makapasok Walang kinakailangan tungkol sa kinikita o sitwayon ng pamilya.
Paraan ng pag-aaplay  Magtanong sa bawat Institusyon ng paalagaan.
Halaga ng bayad  Ang bayad ng pagpasok at pagpapaalaga ay pinapasyahan ng bawat institusyon ng daycare.
Iba pa Simula taon 2007, ang nilalaman ng serbisyo ng daycare ay ginawa alinsunod sa pamantayan ng lahat ng institusyon ng daycare. Ginawaran ng Lunsod ng Yamagata ang bawat institusyon ng katibayan na “Katunayan na Daycare sa Lunsod ng Yamagata”.

Para sa mga may katanungan o nangangailangan ng impormasyon tungkol sa “Daycare”, at iba pang institusyon ng daycare, tumawag lamang sa:

  • Kagawaran ng Pagaalaga ng Bata sa Lunsod ng Yamagata Dibisyon sa Bata:
    Tel. 023-641-1212 (Ext. 572,573)
  • Pagpapalaki ng Bata sa Lunsod ng Yamagata, Website “Genki Sukusuku Net”:
    "http://www.kosodate-yamagata.jp/

Kindergarten, Daycare, and others

Kindergarten, Daycare, and others