Nilalaman > Pagpasok sa Senior Hayskul > 5.Iskolaship sa Lunsod ng Yamagata (Manghiram ng Pera)
5. Iskolarship sa Lunsod ng Yamagata(Manghiram ng Pera)
Ang Lunsod ng Yamagata ay nagsagawa ng Sistema ng Scholarship o paghiram ng pera para sa mga may mataas na grado sa pag-aaral na estudyante. Sa mga Magulang na may interesado sa scholarship o paghiram ng pera, makipagusap lamang sa eskuwelahan na pinapasukan ng bata upang makatanggap ng detalye tungkol sa pag-aaplay.
Sa mga maaaring tumanggap ng scholarship o paghiram ng pera (limitasyon ayon sa kinikita)
- Kinakailangan na ang bata ay pumapasok sa hayskul sa lalawigan at nahihirapan ng pagbabayad ng mga bayarin sa eskuwelahan dahil sa hirap ng kabuhayan.
- Kinakailangan na ang bata ay may mataas na grado sa Akademya.
- Kinakailangan na ang Aplikante at Magulang ay nakatira sa lunsod ng Yamagata.
- Kinakailangan na may 2 taong taga-garantiya ng pagbabayad.
Halaga ng Hihiramin (bawat buwan)
Para sa mga estudyante ng Pribadong Hayskul……25,000 yen
Para sa mga estudyante ng Pampublikong Hayskul……15,000 yen
Bilang ng Estudyante na maaaring tanggapin
Hindi hihigit sa dalawampung estudyante sa bawat taon.
Paraan ng Pagbabayad
Ang pagbabayad ay gagawin ng taong may pananagutan sa takdang panahon na batay sa pamantayang halaga na 7,500 yen sa isang buwan. Walang idadagdag na tubo sa kabuuang halaga na hiniram.
Paraan ng Pag-aaplay
Kinakailangan na mag-aplay sa eskuwelahan na pinapasukan. Magtanong sa eskuwelahan tungkol sa kinakailangan na kasulatan. Tatanggapin ang Aplikasyon dalawang beses sa loob ng isang taon sa buwan ng Mayo at Septiyembre. (Kinakailangan tumanggap ng Rekomendasyon mula sa Prinsipal ng eskuwelahan na pinapasukan.)
Paraan ng Pag-aaplay
Maaaring mag-aplay sa pagitan ng buwan ng Abril at Hunyo sa bawat taon. (Kinakailangan ang Rekomendasyon mula sa Prinsipal ng eskuwelahan na pinapasukan ng estudyante.)
Sanggunian
Lupon ng Edukasyon sa Eskuwelahan, Sanggunian sa Edukasyon sa
Lunsod ng Yamagata
(Munisipyo ng Yamagata 8 palapag)
TEL 023-641-1212(ext. 614)
Iba pa
Maaaring mag-aplay ng Scholarship habang ang estudyante ay nag-aaral pa sa junior hayskul. Magtanong lamang sa homeroom teacher ng junior hayskul kung kailangan ang impormasyon.