Nilalaman > Pamumuhay sa Elementarya > 9.Paghahanda sa Pagpasok sa Junior Hayskul

9. Paghahanda sa Pagpasok sa Junior Hayskul

 Kapag ang pag-aaral ay nagsimula sa ikatlo at ikahuling bahagi ng semestre ang mga estudyante na nasa grade 6 (Enero – Marso) ay magpupunta sa pagpupulong sa Pang-publikong Paaralan ng Junior Hayskul.
 Ang Guro ang magsasabi kung kailan at saan gaganapin ang pagpupulong.
 Karaniwan na ginaganap ang pagpupulong na ito hindi para lamang sa mga estudyanye kundi para na rin sa mga magulang. Kasama ang mga estudyante na malaman ang tungkol sa pamumuhay sa junior hayskul, tungkol sa pagaaral at tungkol sa samahan ng pagkilos (Klab), ang mga magulang ay makakatanggap ng impormasyon kung saan maaaring bumili ng uniporme, damit sa PE, mga bag at iba pang kagamitan na kinakailangan sa eskuwelahan, at tungkol sa nilalaman ng mga bayarin sa paaralan.