Nilalaman > Pamumuhay sa Elementarya > 1.Pamumuhay sa Paaralan at Regulasyon > Sa labas ng Eskuwelahan

Sa labas ng Eskuwelahan

Kapag lalabas o aalis

  • Ipa-alam sa kasama sa bahay o pamilya kung saan pupunta at anong oras balak umuwi.
  • Huwag maglalakad mag-isa sa gabi. Umuwi ng bahay bago magdilim o gumabi.
  • Upang hindi maka-abala sa pamilya ng kaibigan,iwasan bumisita sa oras ng pagkain.
  • Huwag pupunta sa mga sumusunod na lugar na hindi kasama ang magulang o taong may sapat na gulang: Supermarket, department store, Karaoke (club na kantahan), bowling , palaruan sa supermarket o ibang tindahan, lugar na maraming aliwan, mag-ski , mag-skating , at iba pa.
  • Huwag papasok sa pachinko at amusement center , kahit kasama ang magulang.
  • Ang mga bata ay kinakailangan komunsulta sa magulang kapag pupunta sa pagamutan o lugar na maaaring mag-aral. Komunsulta rin kapag manonood ng ine-rekomendang pelikula o kapag dadalo o sasali sa pagtitipon. Kinakailangan ipaalam sa magulang ang hangarin, kung saan pupunta, sino ang kasama, oras, transportasyon, magkano ang gastos, at iba pa. *May ilang eskuwelahan na pinapayagan ang mga bata na nasa ika 5 at 6 na grado na manood ng ine-rekomendang pelikula at atraksyon na kasama ang mga kaibigan lamang.
  • Huwag tatanggap ng imbitasyon sa taong hindi kilala. Huwag sasakay sa sasakyan ng taong hindi kilala.

Tungkol sa paglalaro

  • Umuwi muna ng bahay bago maglaro sa labas.
  • Huwag maglalaro ng larong delikado.
    • Huwag maglalaro malapit sa ilog, lawa, riles, malapit sa lugar ng konstruksiyon at kalsada.
    • Huwag papasok sa lugar na may nakasulat na babala “Huwag pumasok ng walang pahintulot”.
    • Huwag maglaro ng apoy.
      * Kailangan ang pamamahala ng may sapat na gulang kapag maglalaro ng paputok.
  • Ang mga bata ay hindi nararapat magbigay, tumanggap, magpahiram o manghiram ng mga bagay o pera sa isat-isa ng walang pahintulot ng magulang.