Nilalaman > Pamumuhay sa Elementarya > 1.Pamumuhay sa Paaralan at Regulasyon  › Tungkol sa Patakaran sa Eskuwelahan

Tungkol sa Patakaran sa Eskuwelahan

 Mayroong mga patakaran sa Eskuwelahan sa Japan. Sa Elementarya tinatawag ito na “Patakaran sa Pamumuhay”, at sa Junior Hayskul tinatawag ito na “Regulasyon ng Eskuwelahan ”. Mayroong pagkakaiba sa nilalaman subalit mayroong dalawang dahilan sa patakarang ito.

  • Upang sanayin  ang mga Bata at maunawaan, sundin, at pahalagahan ang mga patakaran sa komunidad.
  • Ang Eskuwelahan ay may responsibilidad at pananagutan na bigyan ng magandang kapaligiran para sa mga bata upang makapag-aral ng pantay-pantay.
  •  Patakaran sa eskuwelahan na ang mga estudyante ay kinakailangan na magsuot ng pare parehong uniporme, uniporme sa PE, parehong bag at sapatos. Ang dahilan sa patakarang ito ay upang gumawa ng kapaligiran na magkakaroon ang mga bata ng lubusang pagiisip sa pag-aaral at maalis sa isip ang pagkakaiba ng mahirap at mayaman. Ang pagkakaiba ng pamumuhay ayon sa kita ng magulang ay maaring magkaroon ng hindi magandang epekto sa mga bata. Kaya ipinasya na gawin ang patakarang ito upang magkaroon ng kapaligiran na makapag aral ng mabuti ang mga bata ng pantay pantay.

     Bukod dito, may patakaran din tungkol sa klase ng damit, estilo ng buhok, at mga kagamitan. Halimbawa, sa Elementarya, ipinagbabawal na gumamit ng lapis at pangsapin sa pagsulat na may disenyo o larawan ng kartuns. At mayroon Junior Hayskul, na ipinagbabawal din ang dekorasyon sa buhok sapagkat maaaring maka-istorbo ang mga bagay na ito sa pag-aaral ng mga bata. Pinagsisikapan ng eskuwelahan na gumawa ng magandang kapaligiran. Kinakailangan pag-isipan ang tungkol sa mga Estudyante na hindi sumunod sa mga patakaran at hindi lubos na nagiisip at nagsisikap sa pag aaral. Hindi lamang maaaring makaganbala o makaistorbo sa ibang estudyante, maaaring lumaki ang mga bata o maging mayor de edad na hindi susunod sa mga patakaran ng sosyedad o lipunan.

     Ang mga patakaran sa loob ng eskuwelahan ay mayroon kaugnayan sa labas ng eskuwelahan. Halimbawa, mayroong patakaran na ipinagbabawal sa mga estudyante na magpunta sa palaruan (game centers) o karaoke na sila lamang. Sapagkat kung magkaroon ng pangyayari o aksidente, may pananagutan hindi lamang ang magulang kundi pati na rin ang eskuwelahan. Ang patakarang ito ay ginawa upang ingatan at ilayo ang mga bata na maging biktima o gumawa ng masama o krimen.

     Magtanong lamang sa Guro kung may mga katanungan o nangangailangan ng paliwanag tungkol sa mga patakarang ito.