Nilalaman > Bago pumasok sa Elementarya > 4.Bago Pumasok sa Elementarya

4. Bago Pumasok sa Elementarya

 May mga bagay na kinakailangan nating malaman upang maging maayos ang pagpasok ng bata ng Elementarya. Magkakaiba ang bawat bata; hindi tayo dapat magmadali. Purihin ang bata at bigyan ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Importante sa mga bata bago pumasok sa eskuwelahan na maisip nila na “masaya sa eskuwelahan”.

Mga bagay na dapat malaman bago pumasok ng Elementarya

  1. Iayos ang mga nakatakdang gawain sa araw-araw.
    • Matulog ng maaga, gumising ng maaga at kumain ng agahan (kinakailangan matulog ng 10 oras).
    • Turuan na matutong maghugas ng mukha, mag-sipilyo ng ngipin at pumunta ng palikuran  kung kinakailangan.
  2. Turuan bumati at sumagot ng masigla.
    • Sumagot ng masiglang “Hai” (opo) kapag may tumawag ng iyong pangalan.
    • Turuan na masabi ang salitang “Boku”, “Watashi” (ako) at ang pangalan.
    • Turuan na masabi ang salitang “Ohayo Gozaimasu” (magandang umaga),
       “Konnichiwa”(magandang hapon), “Sayounara” (paalam), “Itadakimasu” (kain na po tayo), “Gochisousamadeshita” (salamat sa pagkain ), “Arigato Gozaimasu” (salamat po),
      “Gomennasai”(Patawad po),at iba pa.
  3. Turuan ng pagbibihis at paghuhubad ng damit ng maayos.
    • Kailangan na marunong mag-bihis mag-isa.
    • Kailangan na marunong mag-tiklop ng hinubad na damit.
  4. Turuan ng tamang paraan sa pagkain.
    • Turuan kumain ng kahit ano para hindi magkaroon ng gusto at ayaw na pagkain.
    • Turuan ng tamang pag-gamit ng sipit (chopstick) sa pagkain.
    • Turuang maglinis kapag nahulog ang kinakaing pagkain.
  5. Turuan na gawin ang mga bagay na pang-sarili nang mag-isa.
    • Turuan kung paano ilabas at iligpit ang mga bagay na gamit sa pag-aaral.(laman ng bag o  lalagyan ng lapis).
    • Turuan na dapat ingatan at ayusin ang mga gamit at bagay sa kanyang paligid.
    • Turuan ng tamang pag-gamit ng palikuran.
    • Turuan na ipahayag ang kanyang sarili (kapag masama ang pakiramdam o kung gustong pumunta ng palikuran, at iba pa.)
  6. Alamin ng magulang at ng bata ang daan papunta at pauwi ng eskuwelahan.
    • Kinakailangan tandaan ang daan at paraan ng pagpunta simula bahay hanggang eskuwelahan   (lakarin kasama ang magulang ng ilang beses hanggang eskuwelahan).
    • Masanay sa paglalakad.
    • Tandaan ang mga delikadong lugar, lumakad sa bandang kanan at tumawid sa kalye na hindi mapanganib.
  7. Marunong magbasa at magsulat ng sariling pangalan.
    • Marunong magbasa ng pahalang at patayo.

Be able to read it horizontally and vertically.